SA DINAMI-RAMI NG puwedeng pagkuwentuhan ng isang Mandaluyong City resident ay sa dating make-up artist pa ni Lovi Poe na hindi pa bayad sa kanyang serbisyo to this day (noong isang taon pa ‘yon na magkano lang naman… 9 thou!)!
Kuwento ito ng isang condo unit owner na minsang nakasabay ni Lovi papasok ng elevator. Kasama ni Lovi ang isang Chinese-looking male friend, na ewan kung sino ang pakay sa gusaling ‘yon sa naturang siyudad.
Pero ang tiyak, nang akmang sasakay na sa elevator ang unit owner ay tinawag daw ni Lovi ang guard on duty. Pa-Ingles na sinabi raw ni Lovi sa guard na ayaw niyang may makasabay. Dahil edukado naman ang unit owner, nagpumilit siyang lumundag sa elevator, sabay buwelta raw kay Lovi ng: “I’m sorry, miss, but I own a unit here. I suppose you’re just a visitor!”
Tameme raw ang Lovi. Sa isip-isip ng unit owner, walang originality ang aktres. Gayahin ba ang “urban legend” involving Gretchen Barretto who refused to allow the lady owner of a building in Makati City na sumakay ng elevator?!
FINAL WEEK NA ng Fulltime Moms: program title, format at host lang ang balitang mababago but it will be resurrected on GMA News TV. So, who will replace its hosts Christine Jacob and Suzi Entrata (in fairness, they have done their job so well)? Sino pa kundi also fulltime mom herself… si Ali Sotto!
Kung totoong tinanggap ni Ali ang naturang offer in lieu of Starbox (her supposed comeback on TV after a three-year absence only to see the program go off air in less than two months), gusto kong isipin na madaling nawala ang sama ng loob ng host after her comeback TV assignment got unceremoniously axed.
But for sure, Tita A knows better this time. On her own terms ay maaaring ipinasaad niya sa kanyang kontratang pinirmahan ang malinaw na itatagal ng bagong offer sa kanya. And why can’t an Ali Sotto make such fair demands? After all, Ali Sotto (who’s supposed to carry her husband’s name, Bsaies, I hope I spelled it correctly) is Ali Sotto.
HINAYAAN NA LANG ni Alyssa Alano na mismong si Sugar Mercado na lang ang mag-promote sa TV5 ng isinatelebisyon niyang buhay na ginampanan ng Startalk TX host, which airs tonight pagkatapos ng Mga Nagbabagang Bulaklak.
Aware naman kasi si Alyssa na posibleng magkaaberya pa sa GMA ang pagganap niya bilang Sugar sa Star Confessions. Despite the promo limitations, itinuturing na malaking hamon ni Alyssa sa kanyang career ang bigyang-buhay ang napakainteresanteng karakter ni Sugar.
Mas kilala kasi ng publiko bilang sexy comedienne si Alyssa, at ano rin lang ba ang kanyang partisipasyon sa pang-Sabadong Startalk TX? But thanks to direk Dante Nico Garcia, Alyssa could do more than just that.
Walang iniwan ang kinalakhang pamilya ni Sugar sa pinagdaanang buhay ni Isko Moreno. “Pamamatsoy” (paghahakot ng pagkain mula sa basura na puwedeng lutuin) ang trabaho ng kanyang ama, habang sa murang edad ay naglalako naman ng mga bulaklak si Sugar sa lansangan.
Nagkataon na noong nagte-taping si Alyssa ng naturang episode, hindi nakisama ang panahon. Sa sobrang pag-ulan, gusto na sana itong ipa-pack up ng director. Umalma ang executive producer. Pero lumampas sa isang araw ang taping, kaya ang tanong tuloy ng buong cast: dalawang araw din ba ang katumbas ng kanilang talent fee sa telebio ni Sugar?
Sorry, pero ang sagot ay hindi kasingtamis ng asuka.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III