SOBRANG MAARTE itong si Lovi Poe. Ang dami-dami niyang kiyeme pero aamin din naman pala na dyowa niya si Rocco Nacino. Sa mga interview niya ay may pa-secret-secret pang nalalaman itong si Lovi when asked kung ano ang real score sa kanila ni Rocco. Even when Arnold Clavio probed kung may relasyon sila, secret ang naging sagot ni Lovi.
But when asked by Lolit Solis, biglang umamin ang dalaga. Helllooo! Hindi ka naman kasikatan, Lovi, para mag-inarte. Ang akala mo yata ay super big star ka at aabangan ang pag-amin mo.
Nagbakasyon sa Europe sina Rocco at Lovi together with the latter’s sister and her boyfriend. Foursome sila sa ibang bansa at sa mga photos nila, obvious naman na magdyowa na sila, ‘no!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas