HINDI LANG tuwing Undas kundi kapag may libreng oras ay lagi raw dinadalaw ni Lovi Poe ang puntod ng kanyang yumaong amang si Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery.
“I bring flowers. And lagi akong nagdadasal,” aniya. “Nagpupunta ako roon kapag meron akong good news. Or meron akong… like mga problema. Parang sa kanya ko… inili-lift up ko ‘yon sa kanya.”
Naisama na ba niya ang kanyang boyfriend na si Rocco Nacino sa pagdalaw niya sa libing ni FPJ?
“Hindi pa. I’m thinking. Parang… isama ko siya para ipakilala?” natawang biro ni Lovi.
“Feeling ko naman, dinadalaw na siya ng dad ko!” biro niya ulit ng aktres.
Habang wala pang bagong soap na gagawin, plano raw munang magbakasyon ni Lovi. “If given the opportunity, siguro itong November. Hopefully bago mag-December.”
Out of the country ba ang kanyang magiging vacation? “I’’m still thinking, e. Kung ano… Kasi gusto ko magkaroon ng alone time at magsulat-sulat. Magbasa-basa ng libro, gano’n. Gusto ko ako lang mag-isa talaga.”
Hindi ba nakakatakot for a lady like her na mag-isang magbakasyon? “Sila ang matakot sa akin!” sabay halakhak ni Lovi. “I’m just kidding. I’m just kidding.”
Katatapos lang mag-shoot ni Lovi ng pelikulang Shake, Rattle, & Roll 15. Tampok siya sa episode nito na Flight 666.
“Excited ako dahil nga sa eroplano kami nag-shoot. As in… sa loob ng eroplano. Maganda, kasi first time ko… na parang na-amaze ako. Parang napapanood ko lang sa movies ‘yong gano’n na nasa eroplano. Balik-horror na naman ako. Yes!”nangiting sabi pa ni Lovi.
Bukod sa horror film na Tiktik: The Awang Chronicles kung saan naging leading lady siya ni Dingdong Dantes, nagbida rin siya sa Aswang with Paolo Avelino kung saan aswang ang role niya. Okey lang daw kay Lovi kung talagang nakakatakot ang character na gagampanan niya gaya nga no’ng sa Aswang.
“Masaya. Magaling kasi ang director naming si Jerold Tarog. Para mai-portray ko raw na mabuti ang role bilang aswang, kailangan daw isipin ko na isa akong animal. Para ma-pull off ko raw ‘yong pananakot ko. So, in-enjoy ko naman ‘yon kasi minsan-minsan lang naman ako mananakot!” tawa na naman ni Lovi.
Mas mahirap ba kapag horror movie ang kanyang ginagawa? “Mahirap. Kasi ginagamit mo ang imagination mo, e.”
Naniniwala ba siya sa mga superstition? “I don’t want to believe. But then, I believe in like… everything. That things do exist.”
‘Yong dad ba niya, hindi nagparamdam sa kanya mula nang pumanaw ito? “No!” nangiting mabilis na sagot ni Lovi. “Kapag nagpasaway ako, baka magparamdam siya sa akin!” natawa ulit na biro pa ni Lovi.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan