CONSISTENT PA RIN sa pagdi-deny si Lovi Poe tungkol sa kanila ni Ronald Singson kahit marami na ang nakakitang magkasama silang dalawa.
Ang latest nga ay sa Boracay na hindi lang ako kundi maraming reporters ang nakasaksi kung gaano sila ka-close nu’ng nakaraang New Year’s eve.
Hindi ko nakitang kasama ni Lovi si Ronald pero ang usap-usapan doon ay kasama nga niya.
Kaya nu’ng masalubong ko si Lovi sa SOP nu’ng kamakalawa kaagad na tinanong ko ito sa kanya. “Bakit? Matagal na kaming wala ni Jolo, ah!” Sagot agad nito sa akin.
Pero nang in-interview namin ito, todo-deny naman ang young actress kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ni Ronald.
Inamin lang niya na magkasama sila sa Boracay pero grupo raw sila kasama ang iba pang kaibigan.
Magkaibigan daw sila ni Ronald pero ‘yung ligawan o sila na ay hindi raw totoo. Mas gusto raw niyang mag-focus muna sa trabaho at ayaw raw niyang ma-in love.
Maayos daw silang nagkahiwalay ni Jolo Revilla at hindi naman natuloy ang pagbabalikan kaya puwede naman daw siyang makipag-date sa iba at ganu’n din naman si Jolo.
Magkaibigan pa naman daw sila ni Jolo at may komunikasyon paminsan-minsan at ayaw naman daw niyang maputol ang magandang pakikisama nito sa pamilya ng dating boyfriend lalo na sa mga kapatid nito.
Iniiwasan na ni Jolo na magkomento tungkol kina Lovi at Ronald, pero naniniwala pa rin daw siya sa sinasabi ni Lovi na walang namamagitan sa kanila ni Ronald. Hindi raw niya maitatangging mahal pa rin niya si Lovi at nandiyan pa rin daw sa puso niya.
Kaya mas focused daw siya sa trabaho para makalimutan naman niya ang young actress.
Pero marami na ang nagpapayo kay Jolo na huwag na siyang umasang magkakaayos sila ni Lovi.
Hayaan na lang daw ito kay Ronald kung nagkakagustuhan na ang dalawa. Ewan ko lang kung boto rin dito ang Mommy ng young actress.
PAGKATAPOS NG SAMPUNG araw ng Metro Manila Film Festival, patuloy pa ring nangunguna sa box-office at hindi na maitatangging topgrosser ang pelikulang Ang Panday ng GMA Films at Imus Productions.
Ayaw ni Sen. Bong Revilla na sa kanya manggaling ang figures kaya inalam namin ito sa isang miyembro ng Executive Committee na si Mr. Ric Camaligan.
As of January 2 nakalikom na ang MMFF ng 357.1M sa pitong pelikulang kalahok sa naturang filmfest.
Nangunguna ang Ang Panday na naka-80.8M, Ang Darling Kong Aswang – 76M, I Love You Goodbye – 69.8, Shake, Rattle and Roll 11 – 66.2M, Mano Po 6 – 33.8M, Nobody, Nobody but Juan – 28M at Wapakman – 2.5M.
Mukhang hindi naman apektado si Manny Pacquaio na nangulelat na naman ang pelikula niya. Pero tila apektado ang ilang co-stars gaya ni Bianca King na hindi man niya diretsahang sinabi, pero tila sinisisi nito sa negatibong isyu ni Krista Ranillo.
Hanggang January 7 pa ang MMFF, at inaasahan ni Mr. Camaligan na aabot ito sa 500 milyong piso at malalagpasan ang kinita nu’ng nakaraang taon.
By Gorgy’s Park