TINOTODO NA talaga ni Lovi Poe ang pag-ariba ng kanyang international showbiz career. Pagkatapos nitong pumirma ng kontrata sa Kapamilya Network pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa GMA ay sinunod na ng dalaga ang kanyang puso.
Alam din naman natin lahat na kung international career ang target ng isang artista ay best move na nito ang pakikipagsapalaran sa Kapamilya.
Kasalukuyang nasa Amerika muli si Lovi Poe para paghandaan ang kanyang upcoming Hollywood film na The Chelsea Cowboy, kung saan siya ang gaganap na British jazz icon na si Dana Guillespie. Maliban sa kanyang pagiging movie star ay hindi nito kalilimutan ang kanyang first love – ang Musika!
Ngayong tanghali ay pormal nang ipo-promote ni Lovi ang kanyang addictive song na ‘Candy’ sa ASAP Natin ‘To. Mahigit isang buwan na kami may LSS o Last Song Syndrome sa kantang ito at siguradong mas marami pang Kapamilya ang magkakainteres dito kapag mapapanood na nila ito sa Sunday noontime variety show.
These are exciting times for Lovi Poe! Maliban sa kanyang Hollywood career at possible English album (pakinggan niyo ang ‘Under’, ‘Lost’ and of course, ‘Candy’!), nakatakda rin nitong gawin ang Philippine adaptation ng ‘Flower of Evil’ sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, kung saan makakapareha nito ang nag-iisang Piolo Pascual. Posible rin na maging entry ng Regal Films sa 2021 Metro Manila Film Festival ang ‘Seasons’, ang huling Pinoy film na ginawa niya kasama si Carlo Aquino.
Keep shining, Lovi Poe!