KAY SUWERTE ni Lovi Poe dahil siya ang napili upang gampanan ang pinakamimithing role ni Gregoria “Ka Oryang” de Jesus, sa pelikulang “Lakambini” (Woman Leader).
To be directed by Jeffrey Jeturian and Ellen Ongkeko Marfil, overwhelmed si Lovi sa biggest break in her acting career dahil isang bonggang historical figure ang kanyang gagampanan sa pelikula.
Si Ka Oryang ang naging asawa ni Andres Bonifacio at may sarili ring tatak bilang isang matapang na babaeng nakipaglaban sa kapakanan ng mga Pinoy noong panahong ‘yun.
Perfect timing din dahil this year 2015 pala ay 140th birth anniversary pala ni Ka Oryang at this early, marami nang women’s groups ang interesadong sumuporta sa pelikula, na iko-co-produce ng Philippine Commission on Women (PCW) with Erasto Films ni Direk Ellen.
Super-saya at excited si Lovi, at the same time ay malaking challenge daw sa kanya ang role, lalo na’t nanalo ng Palanca Award ang script na ito na likha ni Rody Vera, isang award-winning playwright and screenwriter.
Nauuso ang historical films, tulad na lang ng huling Bonifacio, Ang Unang Pangulo na talambuhay naman ni Andres Bonifacio, shown last MMFF 2014, at siyang big winner ng 31t PMPC Star Awards for Movies last March 8 sa Solaire, dahil humakot ito ng halos lahat ng awards.
With Lovi as Ka Oryang, masusubukan ang husay nito sa pag-arte!
Good for Direk Ellen also to be active in doing movies again. Sa kanyang track record, gustung-gusto namin ang past films niyang Pusang Gala and Boses, na in our personal list, dalawa ito sa pinakamagagandang indie films the past decade.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro