DREAM COME true nga raw para kay Lovi Poe ang pagsasama nila ni Nora Aunor sa isang indie film, ang Thy Womb na katatapos lang niyang i-shoot. And she only have good words to say kapag natatanong tungkol sa Superstar.
“Masaya ang pakiramdam na makasama ko siya sa pelikula,” aniya nga. “Tapos no’ng nagawa ko ‘yon, parang… wow! No’ng kaeksena ko siya, sobrang natural lang niya. As in… hindi mo mararamdaman na umaarte siya. Parang gano’n ang mapi-feel mo. And hindi niya ipinaramdam sa akin na siya ang kaisa-isang Superstar. Super-humble siya. And super-mabait. Ano… uhm, love na love din niya si Papa (the late Fernando Poe Jr.).
“At first, na-intimidate ako!” nangiting pag-amin ni Lovi.“Medyo nag-ano pa nga ako, sabi ko, pa-picture naman. Then no’ng nakapagpa-picture ako… masaya! And you know, the thing is, it’s very spontaneous. Wala kaming script.”
Sa Tawi-Tawi pa ang location nila. Sinasabing maraming rebelde o Abu Sayaff doon, pero hindi naman daw siya natakot.
“Lahat ng tao sa Tawi-Tawi, sobrang bait nila sa akin. Sa aming lahat. Actually alagang-alaga nga kami roon. And then, mahal na mahal nila si Papa roon. So do’n pa lang, naramdaman ko nang parang nakakataba ng puso. Mas nakaka-inspire. Talagang sobrang bait ng lahat ng tao roon. Bawat daanan mong mga tao, very respectful. Actually, malambing nga sila, eh. Very sweet. Oo.
“About my role? Hindi ko kasi siya puwedeng i-reveal, e. To the point na roon ko rin lang nalaman pagdating ko roon kung ano talaga ‘yong role na gagawin ko. Ako, I’m just happy to be part of this film. Whether it’s big or small role, whatever it is, basta nakaeksena ko siya. And I really got good advices and sweet words from her. Sobrang happy na ako ro’n.”
Ibang klase pala si Lovi kapag nakakaramdam ng lungkot o nai-stress. Nahihilig daw siyang kumain nang kumain. Mabuti’t hindi siya tumataba?
“Hindi ko alam, eh,” natawa ang aktres. “Minsan, tina-try kong tumakbo. Siguro, maraming beses na kain. Pero small portions.”
Nangiti ulit siya nang punahin kung bakit mas paganda pa siya nang paganda ngayon.
“Naks! Parang hindi naman! Ha-ha-ha! Hindi. Sobrang happy lang ako. Especially sa Legacy. I’m so happy that I’m working with really good friends. Really good people. So, parang nagri-reflect naman ‘yon, eh. And ang ganda-ganda ng Legacy. It’s doing well. Do’n pa lang, nai-inspire na ako.”
‘Yong character niya sa nasabing primetime series ng GMA bilang si Natasha, madaling maapektuhan at lumilitaw ang kahinaan kapag lovelife na ang at stake. Gano’n din kaya siya sa totoong buhay?
“Ah, hindi. Hindi ako masyadong gano’n… anymore!” sabay tawa na naman niya.
Saang aspeto sila nagkakatulad ng character niyang si Natasha?
“Uhm… siguro ‘yong pagiging palaban, pero nasa posisyon. ‘Yong totoong tao lang. Hindi sobrang mabait. Hindi rin naman masama.”
Kapag umaarte ba siya, lalo sa mga dramatic scenes o highlights niya, may pi-naghuhugutan siya?
“Oo. I always make sure. Ako, one of the things I make sure when I act is… I never fake it. I don’t want to fake it. ‘Coz obvious kasi. Ako, kunwari wala akong maibigan, I’d rather stop than pretend that I’m crying. Kailangan talaga, totoo. I never fake it talaga. I think a lot of actors do the same thing. They want to give the real thing naman. It doesn’t look nice kasi once it’s fake.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan