AFTER NG box office success ng pelikulang Titktik: The Aswang Chronicle na ginawa ni Lovi Poe with Dingdong Dantes, sunod na magandang balitang labis na ikinatuwa ng aktres ay ang pagkakapasok naman bilang isa sa mga official entries sa nalalapit na MMFF (Metro Manila Film Festival) ng Thy Womb, ang proyektong pinagsamahan naman nila ni Nora Aunor.
“It feels really good,” masiglang pahayag nga ni Lovi. “We thought kasi hindi iyon papasok, eh. And we’re so glad naman na nangyari iyon.
“Yesterday ko lang nalaman. Nasa photo shoot ako. Sinabi na kasali na raw sa MMFF ang Thy Womb.
“I was really shocked! Kasi I though nga hindi na iyon mangyayari. And I’m so happy.
“I believe naman kasi that Direk Brilliante (Mendoza) worked really hard. And also Miss Nora Aunor, Tito Bembol Rocco… everybody worked really hard in this movie.”
Sa palagay kaya niya, posibleng maging magkalaban sila ng Superstar sa best actress category sa MMFF awards night?
“No!” nangiting reaksiyon ni Lovi. “Simple lang ang character ko sa pelikula, eh. Kaya… I’m not looking forward or expecting for something like that.
“Masarap ‘yong pakiramdam dahil nabibigyan ako ng mga proyekto. And I’m very happy naman na I get to work with a lot of amazing people.
“Basically that’s what I love the most… learning from the people I work with.”
And working with Nora sa Thy Womb is one great experience and honor nga raw para kay Lovi.
“Oh, my god!” nangiti ulit ang aktres. “Hindi ko naramdaman na siya ang Superstar.
“It’s very refreshing because for someone as huge as her, I didn’t feel any… ‘yong ere or kayabangan. Nothing.
“Kaya nakaka-inspire. It’s nice working with people like that.”
Nangiti si Lovi nang matanong kung aabot ba ng Pasko na wala pa rin siyang bagong special someone?
“Yes. Masyadong busy ako sa work. Hindi ko na maisingit ang tungkol diyan!” sabay tawa ulit niya.
“Okey lang naman. Happy ako. I don’t feel lonely,” nakangiti pa niyang pahabol.
Pero bakit may tsismis na may mga nakakita sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Ronald Singson sa isang bar sa Tagaytay recently. Nakapula raw siya na gown?
“Yes. Opening ‘yon ng bagong branch ng mga bar na pag-aari nila. So… I’m there to support my friend,” ang dating karelasyon si Ronald Singson ang tinutukoy niya.
Paano ba niya ika-categorize ang samahan nila ngayon?
“Wala. Friendship!” tawa ulit ni Lovi.
Hindi ito nakikipagbalikan sa kanya?
“No. We have no time for this. I have no time for this. Uhm… this love thing is not for me now. Parang I’m too busy nga with work.
“Nando’n pa rin naman ‘yong communication namin. But then, ‘yon nga… wala.”
Hindi pa ba siya nito igini-give up?
“A… he has his own thing going on din naman, eh. It’s not just him and me.”
Alin kaya ang mas possible… ang magkabalikan sila ni Ronald o ibang guy na ang maging bago niyang pag-ibig?
“Anything is possible. So, ano… I’m not closing my doors naman. If it happens, it will happen naman.
“Pero for now… wala, eh. My heart is set to work muna talaga, eh.
“Parang ano, eh… nakakapagod din,” huling nasabi ni Lovi.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan