UMALMA SI Dondon Monteverde ng Reality Entertainment sa desisyon ng Professional Artist Management Inc. (PAMI) na kampihan si Lovi Poe at ang manager nitong si Leo Dominguez sa “away” nila ni Direk Erik Matti.
Nagsimula ang away nang hindi siputin ni Lovi ang syuting ng Kubot: The Awang Chronicle 2 na ikinagalit naman nang husto ni Direk Erik. Sina Dondon at Erik ay business partners at magkaibigan. Co-producer nila sa Kubot ang GMA Films and the film is an entry to the Metro Manila Film Festival this December.
Sa official statement ni Dondon which he posted sa Facebook, malinaw na isa ang isyu ng talent fee sa dahilan kung bakit ayaw gawin ni Lovi ang Kubot. Nakasaad doon na P400,000 ang hinihingi ng manager niya sa Reality Ent at sa isa pang co-producer nitong si Dingdong Dantes in order to do the scenes in the movie. Kaya lang dahil sa sobrang laki, tinawaran nila ito.
Sabagay, sobrang laki nga naman ng P400k para sa two-day shooting ni Lovi na naging part din naman ng naunang Tiktik. Sa huling negosasyon, pumayag naman daw ang kampo ni Lovi sa P90,000 per day na TF, pero hindi pa rin sumipot sa shoot ang aktres.
Ayon kay Dondon, sana raw ay inalam muna ng PAMI ang side nila ni Direk Erik bago sila naglabas ng desisyon about the issue. Naiintindihan din daw niya kung bakit nakapagmura ang direktor sa FB account nito.
Nakakalokang malaman na isyu ng mababang talent fee pala ang dahilan kung bakit dedma si Lovi sa Kubot. Naliliitan pa pala siya sa P90k per day, huh!
La Boka
by Leo Bukas