LALAYASAN NA raw ni Lovi Poe ang Siyete.
That’s being buzzed over the Kapamilya compound. But her transfer will not likely materialize this year but in 2013 dahil meron pa siyang kontrata sa GMA-7.
Ang chika sa amin, now pa lang ay pinaghahandaan na ng Dos ang paglipat ni Lovi. Inaayos na kaagad ang kanyang first primetime soap sa ABS-CBN.
Ang alam namin, magbibida pa si Lovi sa afternoon soap na Yesterday’s Bride.
Naku, hindi kaya habulin ng Siyete si Lovi kapag nagpasya na talagang lumipat sa Dos?
RAPPER JOHN Rendez is back in showbiz and he was immediately made to answer long standing rumors that he’s romancing Superstar Nora Aunor.
“What?! Come on. She’s a good friend of mine. Sino ba naman ako. There’s nothing like that,” pagdedenay ni John sa launch of his album.
He insisted that his album was not financed by Ate Guy, saying that the Superstar is his manager.
“I won’t do anything big without her approval because respect ko lang sa kanya. I have respect for Ate Guy. ‘Ate guy, ano kaya?’ I ask for her advice, for her wisdom pero I’m my own person, she’s her own person. She doesn’t tell me what to do, I don’t tell her what to do.”
Inamin ni John na naghiwalay na sila ng kanyang partner at me-ron silang 16 year old daughter na nasa custody ng kanyang ina.
“My wife, she’s a good person hindi lang kami compatible. I’m happy that she’s happy. She never put me down. Nagte-text kami,” he said.
Nagkaroon lang sila ng matinding pagtatalo nang maging issue sa partner niya ang friendship nila ni Nora.
“’Wag mong ginaganyan si Ate Guy, asawa lang kita. Respetuhin mo ang mga kaibigan ko, especially Ate Guy. If you can’t do that then we shouldn’t be together,” chika ni John.
NA-DISCOVER NI Erich Gonzales ang cultural difference nila ng Thai superstar na si Mario Maurer when she slapped him sa isang eksena nila sa kanilang movie.
Totoong sampal ang dumapo sa pisngi ni Mario, bagay na ikinagulat nito at ikina-shock ng mga kasamahan nito.
Kitang-kita ni Erich ang pag-kabigla ni Mario after that scene.
“Sabi ko, ‘hala ka direk.’ Nagulat din ako kasi siyempre tayo po, dito po, sanay kaming totohanan talaga, walang daya-daya (ang pagsampal). ‘Pag sinabing take, action, ganyan,” tsika ni Erich.
“Parang nakalimutan namin, ‘ay, hindi pala ‘to Pinoy,’” dagdag ni Erich na nag-sorry kaagad sa binata.
“‘Sorry, bro.’ ‘No, it’s okay.’ Hindi naman siya (nagalit). Siyempre kay Mario okay lang.”
But Mario’s team showed their discomfort over the scene.
“Nag-react talaga ‘yung team niya na, ‘no, no, no more. One time only.’ ‘Can we do it again?’ No, once (only),’” sabi ni Erich.
Ang maganda kay Mario, cool lang ito.
“Super cool, walang arte talaga. Feeling ko nga kahit suntuk-suntukin siya, okay lang sa kanya, hindi siya magre-react. Nagulat lang siya.”
Si Direk Rory Quintos naman ang nagtsikang iyon ang nakita nilang cultural difference nina Erich at Mario.
“‘Direk, ‘you didn’t tell me I’m going to be slapped.’‘I told you.’ But you didn’t say it’s real.’ ‘It’s supposed to be real.’ Sabi niya, ‘only not real, fake only.’ First niyang masampal,” kuwento ni Rory. Sa Thailand kasi hindi totoo ang mga sampalan.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas