BLIND ITEM: LET this be an actor’s second and last support to a local superhero just because they belong to the same management agency.
A transferee from another TV network, hinangaan ang husay sa pagganap ng aktor na ito from a “remade” soap opera. Upon his transfer to another a rival station, una niyang naging proyekto ang paglabas bilang kontrabida ng isang Mexican hero.
Naniniwala ako that he should be above such non-serious, no-acting-required roles that the kids can only appreciate. Let the other promising young male talents tied to a contract, but jobless, become the next perennial contravida on TV, hindi ang tulad niya who deserves far more challen-ging assignments than play support to a superhero that raises a magical weapon to fight the evils of the world.
KUNG SA ISANG tulad ni Lovi Poe ay insignificant ang halagang P9,000, hindi para sa make-up artist na kinontrata ng isang produksiyon para meyk-apan siya.
Panahon pa ito ng programang Little Star sa GMA-7, ilang buwan na itong wala sa ere, pero nananatiling nasa ere pa rin ang atraso ni Lovi sa naatasang magpaganda sa kanya. Ang usapan, limang libong piso kada taping day ang ibabayad sa make-up artist, tatlong libo rito ang sagot ng aktres at ang P2,000 ay iso-shoulder ng production.
Sa loob ng buong araw, as in 24 hours na taping ay tatlong episode na ang natuhog. Simple arithmetic: of the P15,000 bilang total talent fee ng make-up artist, P9,000 dapat ang manggaling sa mismong bulsa ni Lovi.
Yet to this day, Lovi has not settled her dues with the make-up artist. Worse, when the same make-up ar-tist was assigned to do her make-up for Party Pilipinas last Sunday, ni hindi man lang naalala ng aktres ang kanyang utang!
Ang nakakatawa pa nito, pinagtiyagaan ng make-up artist na mey-kapan si Lovi na tulog na tulog, her head bent on one side kaya naman nakatungo rin ang pobreng bading. Teka, hindi kaya nagtutulug-tulugan lang si Lovi para makaiwas sa atraso niya, na siyempre ang make-up artist pa ang mahihiyang maningil?
Sa earning capacity ni Lovi, gasino lang ba ang P9,000? It’s just a drop in the bucket! Pero para sa make-up artist na barya-barya lang ang kinikita, P9,000 is already one whole bucket!
‘Kakahiya, ha?!
DAHIL BAKASYON NA from school, nito lang napag-desisyunan ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen na ipa-circumcise ang kanilang dalawang binatilyo. Nabanggit namin kay Gelli na mainam pa rin ‘yung “primitive way” ng paglalanggas sa mga bagong tule, ‘yun ‘yung pagpapakulo ng dahon ng bayabas na siyang marahang idadampi sa nakabalot-ng-pira-pirasong-kamisetang birdie-birdie.
Eh, hindi na raw matandaan ni Ariel ang procedure kung paano. Gayunpaman, katulong ni Ariel si Gelli sa paglalanggas tungo sa “pagbibinata” ng mga bagets. “In fairness, tatlong araw pa lang, magaling na ang sugat. Hayun, nagyaya agad mag-basketball. Dahil naggo-golf si Ariel, ako tuloy ang nakipag-basketball sa mga anak ko!” sey ni Gelli.
Incidentally, Gelli is one of the latest additions to the Tweetbiz Insiders family, bilang main host na naghahatid din ng mga showbiz tsismis. “Naloloka nga sa akin si Ariel, eh. Kasi, pag nasa bahay na kami, ang dami-dami kong ikinukuwentong tsika sa kanya. Itatanong naman niya, ‘Who’s that?’ Lumalabas tuloy ang pagkatsismosa ko!”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III