NO TIME for love daw ang isa sa top artist ng GMA 7 na si Lovi Poe na nagseselebra ng kanyang birhtday ngayong Feb. 11. Ayon kay Lovi mas priority niya ang kanyang career.
Sa dami nga namang magagandang proyektong dumarating sa kanya, mas gusto raw nitong samantalahin muna na magtrabaho nang magtrabaho hangga’t in demand siya.
“Ay, hindi ko na iniisip ‘yun. It’s not a priority. That can wait. Samantalahin muna ang magagandang opportunities na dumarating sa ‘kin.”
Isa pa raw sa rason kung bakit subsob sa trabaho si Lovi ay dahil na rin sa kanyang bagong bahay na malapit nang matapos at siyang regalo nito sa kanyang kaarawan.
“Birhtday gift ko sa sarili ko ‘yung bahay, bale patapos na ang finishing and I might transfer to it soon,” pagtatapos ni Lovi.
AFTER MR. Fu, ang isa sa co-host ng Ang Latest na si IC Mendoza naman ang nagtapat sa press na biggest crush niya rin si Enchong Dee. Katulad ng Jeepney Jackpot, Pera o Para host na si Mr. Fu, ang pagiging mabait, good physique at magandang mukha ang nagustuhan ni IC kay Enchong.
Kuwento pa ni IC na minsan na silang nagkita ni Enchong kung saan panandaliang na-starstruck siya at hindi nakapagsalita for a while dahil na rin sa nagulat siya nang una niyang makita ang Star Magic artist.
Mas naloka nga ito nang batiin siya ng binata. After that incident ay mas lumaki raw ang paghanga nito sa binata. Doon niya raw na-realize na sobrang bait nito on and offcam katulad ng napapabalita.
At kahit nga raw laging laman ito ng blind item ng kanilang Ang Latest Show at biniro nito ng “Lagi kang laman ng blind item namin, hahaha!” ngumiti lang daw ito at sabay sabing “Oo nga, eh” habang nakangiti. Pero hindi raw ito kinakitaan ni IC ng pagkadismaya o galit.
Kaya naman daw sinabi nitong “Sige don’t worry hindi na kita laging iba-blind item simula ngayon!” Kaya naman daw if ever na magkakaroon siya ng Valentino ngayon, katulad ni Mr. Fu ay si Enchong din ang kanyang gustong makasama.
NAGSIMULA NA noong Sabado, Feb. 9, ang pagpapalabas ng Kanta Pilipinas, ang malaking singing contest ng TV 5, kung saan ang mananalo ay makapag-uuwi ng P1 million, recording contract at pagkakataong sumikat sa mundo ng musika.
Ang 24 aspirants na magtutunggali ay sina 5 AZ 1, Adrian Tabaldo, Allan Gonzales, Allison Gonzales, Chadleen Lacdo-o, Daniel Grospe/JB Landrito duo, Dea Formilleza, Esther Martinez, Ferns Tosco, Gian Carlo Baldonido, Gregory Llamoso, Haizel Fernando, Isaiah Antonio, Jacob Gayanelo, Janeth Gomez, Jennifer Maravilla, Nicole and Carlo David, Pia Diamante, Raz Mendoza, Ricky Deloviar, Rochelle Merced, Thara Jordana, Timothy Pavino and Zari Bilon.
Magsisilbing hurado sa Kanta Pilipinas sina Maestro Ryan Cayabyab at ang Asia’s Nightingale Lani Misalucha, habang si Rico Blanco ang magsisilbing host. Ang theme ng Kanta Pilipinas ay inawit ng International Pinay singer na si Ms. Lea Salonga.
PAGKATAPOS MAGPAKA-DARING nang bahagya sa kanyang guesting sa Magpakailanman with Joyce Ching ang Tweenstar na si Teejay Marquez, kung saan isa ito sa maituturing na nakakuha ng may pinakamataas na ratings sa lahat ng pinalabas na episode ng Magpakailanman, ready na raw itong tumanggap ng ganong klaseng role.
Masaya nga raw si Teejay dahil maganda ang naging feedback sa kanyang acting sa nasabing Magpakailanman episode, kaya naman daw naengganyo siya na gumawa ng ganu’ng klaseng proyekto. Hindi naman daw big deal kay Teejay kung kinakailangan niyang mag-sexy sa kanyang mga susunod na projects lalo na’t ‘pag maganda ang proyekto.
At habang naghihintay ng kanyang new soap sa GMA 7, regular na mapapanood si Teejay sa WalangTulugan at naka-takda ring ipalabas ang kanyang dalawang pelikulang ginawa, ang Basement at ang Pagari. Siya rin ang bagong mukha ng Walker.
John’s Point
by John Fontanilla