Tiyak na pukpukan ang labanan ng mga higanteng istasyon ng telebisyon sa mismong araw ng botohan, pero hindi magpapahuli ang TV5 batay na rin sa bugbog nitong teaser na “wala kang ligtas” pagdating sa ihahatid nilang election updates.
Sa pangunguna ng hepe ng news and current affairs ng network na si Ms. Luchi Cruz-Valdes, maghahatid ang kanilang mga tagapagbalita ng 28-hour uninterrupted coverage.
To start from 5 am on May 9, dire-diretso ang mga blow-by-blow accounts ng mga reporter ng TV5 na nakatalaga sa iba’t ibang bahagi ng bansa, even the so-called election hot spots ay walang takot din nilang susuungin.
Hindi natatapos sa pagsasara ng mga voting precincts ang trabaho ng mga ito, sama-sama rin nilang tututukan maging sa pagsisimula ng pagbibilang ng mga boto. Kasama rito ang paniniyak na nasa ayos ang prosesong itinakda ng Comelec.
Ang buong puwersa ng TV5 news ang magsisilbing mata na nakamasid sa bawat kilos at kibot sa loob at labas ng lugar ng botohan, at ang mga kaakibat na kaganapan as a result of this historic electoral exercise.
As TV5’s election coverage blurb says na Bilang Pilipino, sama-sama nating saksihan ang mahalagang araw na ito sa ating kasaysayan bilang Pilipino.
AS ELECTION day draws near ay patindi pa nang patindi ang mga pagbubunyag tungkol sa kasiraan ng mga presidential bets most specially against Davao City Mayor Rody Duterte on his alleged hidden wealth as exposed by VP candidate Antonio Trillanes IV.
It appears that it’s four against one with presidentiables Mar, Grace, Jojo, and Miriam in a concerted alliance dahil mukhang in all probability, PNoy’s successor is the man from Mindanao. The biggest threat to their highest political ambition, hindi si Digong ang uri ng lider ang may karapatang mamuno ng bansa.
Nauunawaan namin ang kanilang mga agam-agam, at maging ang takot ng taumbayan that if Digong wins ay iisa lang ang dalangin ng lahat: God save the Philippines.
Isang linggo na lang ay isa na namang makasaysayang kaganapan ang aantabayanan natin, a day of reckoning para sa isang bansa whose future rests on the hands of the next set of leaders.
Gisingin natin ang mga natutulog nating isip, ipagkatiwala natin ang ating sagradong boto sa mga kandidatong karapat-dapat.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III