NATATAWA LANG si Lucy Torres-Gomez tungkol sa balitang ipinababalik ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang kanyang suweldo at mga pondong nailaan sa mga proyekto sa kanyang distrito. Ito ay matapos ipinag-utos ng Supreme Court (SC) na bakantehin nito ang kanyang puwesto bilang representative ng Fourth District of Leyte, dahil hindi pa naman daw pinal ang kautusang ito ng mataas na hukuman.
“Hindi, okay lang ‘yan,” patungkol ni Lucy sa kanyang suweldo na puwede naman niyang ibalik.
Ang natatawa siya, paano niya maibabalik ang mga proyektong nalagak na niya sa fourth district ng Leyte. Pabiro niyang sambit sa Ang Latest Updated last Saturday, March 23, “Ang sabi ng kalaban, kailangan ko raw ibalik ‘yung mga proyektong nadala ko du’n. Ang sabi ko, kakalkalin (ko) ba ‘yung mga kalye, ‘yung mga tahi o surgery (ng mga tao) sa mga surgical mission, bubuksan ko ulit ba ‘yun?”
Ayon sa kongresista, hindi pa raw nila natanggap ang kautusang ito. “The Supreme Court decided na, they said na ia-unseat daw ako but it’s not yet final and executory. Kasi unang-una, wala pa kaming natatanggap na copy of their order, and then nu’ng pina-follow-up naman ng abogado, ang sabi naman hindi pa tapos, dina-draft pa raw and kulang pa ng mga pirma ng mga judges. So, ang nangyari actually, is ni-leak na nila ‘yung resulta.”
Nalaman lang daw ni Lucy through Twitter. “Lunchtime, twitter. Na I was reading, ‘Is this me?’ Lumabas lang siya sa twitter and then andaming nagtatanong na.”
Pero bago pa raw ang araw na ‘yun na lumabas ang balita, may mga naririnig na raw silang balita tungkol dito. “Kasi the day before, may mga bulung-bulungan na kasi na ‘yung kalaban daw, ginagapang ‘yung kasong ‘yun. And then I called the lawyer, sabi ko… kasi ang kasong ‘to, sa HRET (House of Representatives Electoral Tribunal), dinismis na. So sabi ng lawyer, ‘That will not stand in court, sa Supreme Court, okay lang talaga ang kaso na ‘yan.’ ‘Yun na nga apparently, hindi kasi (nagkaroon ng order to unseat me).”
Ang kanyang asawang si Richard Gomez ay kandidato rin sa pagka-Mayor ng kanyang bayang sinilangan – ang Ormoc City. Ano kaya ang reaction dito ni Goma? “Well ito kasing mga maneuverings ng mga kalaban namin hindi na kami nasu-surprise and then (we believe) it’s part of politics, it’s really dirty wala naman talagang ni minsan, wala namang nagsabing ang linis-linis ng pulitika. Wala talaga. And nu’ng pinasok ko naman ‘to, wala naman akong ilusyon na maganda ‘yung mundong pinasok ko, although alam ko rin na hindi rin naman ganu’n kasama. In fairness, I’ve meet a lot of descent people in politics.”
Dito na naalala ni Lucy ang sinabi sa kanya ng isang mayor sa kanyang distrito noong una siyang pumalaot sa pulitika. “Sabi nu’ng ano, nu’ng una akong tumakbo noong 2010, si Mayor Sixto dela Victoria ng Albuera, which is one the mayor of the district I represent, sabi niya, ‘Naku ba’t ka ba nandito e, ‘yung pulitika laro ng demonyo,’ and I remember telling him, ‘Okay lang na laro ng demonyo, kasi hindi naman kailangan na demonyo ka rin. Public service is beautiful, it’s really the politics side of it.”
Pahayag pa niya, “Sinasabi ko naman sa mga kalaban ko na hindi ko naman hinihiling na gustuhin n’yo ako, pero as your congresswoman, sukatin n’yo na lang ako sa kung ano ‘yung nagawa ko.”
ALAS SINGKO y medya nang hapon nakalipad sina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby patungong Paris, last Saturday, March 23.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend ng GMA-7, maluha-luha namang nagpasa-lamat ang Queen of All Media sa lahat ng mga taong sumusuporta at patuloy na nagtatanggol sa kanya. “I wanted to shield myself from the negativity, but I also didn’t want to deprive myself the chance to see the positivity. So, nagbukas naman po ako talaga at binasa ko ‘yung mga social networking accounts ko. Sa lahat po sa inyo na pinagtanggol ako at pinagtanggol ang pamilya ko at mga anak ko, for the rest of my life tatanawin ko yun na utang na loob.”
Nangingilid ang luhang dugtong pa ni Kris, “Can I just honestly say that, wala naman talagang madali sa buhay pero siguro lahat kailangang kakayanin talaga. Lahat mapagdadaanan kung ramdam mo yung pagmamahal sa ‘yo, nung mga mahahalaga (mahahalagang tao sa buhay mo).”
Wish daw na Kris na magkaroon silang mag-ina ng sapat na oras na makapagpahinga sa kanilang bakasyon at makapagdasal.
Pero ang hindi namin kinaya, ang mahigpit na bilin niya sa mga airport authorities na walang papayagang mga mamamahayag na naka-assign sa NAIA na maka-interview o makakuha ng litrato sa kanila.
Pero, may pinayagan naman daw na dalawang TV crew si Kris para makapanayam sa kanya bago siya umalis, ito ay ang news crew ng GMA at ng kanyang home network na ABS-CBN.
Ano ba ‘yan? Kaya an’dami na namang batikos ang natamo ni Kris sa mga social networking sites dahil sa mga ganyang “pangmamata” sa ibang istasyon.
Sure na ‘to
By Arniel Serato