OLA CHIKKA now na! Ano na naman ‘yan? Hindi ako mapakali sa ko-lum ni Oghie Ignacio (hindi rito sa Pinoy Parazzi). Sa statement daw ni Nora Aunor, masayang-masaya ito sa karangalang nakuha, kahit pa hindi sa main competition ‘yun ng mismong Venice Film Festival.
Kaya nga may mga nagmamaliit sa nakamit niyang award, dahil ka-cheap-an at peke raw ang Best Actress award na ibinigay sa kanya, lalo na’t sa isang restaurant lang ginanap ang awarding ceremony. Bagay raw na ayaw patulan ni Nora.
Ang tanong, Oghie: kung hindi fake, saan nanggaling ang award na ‘yan, samantalang sa awards rite, hindi nabanggit na best actress si Nora? Dapat kasi, magpakatotoo na tayo sa ating mga isinusulat na dapat ipagtanggol ang tama, hindi ang mali na binabali pa sa maling paniniwala.
Ano ka ba? Parang kahapon ka lang nabuhay. Saan ka ba nanggaling? Baka nakakalimutan mong matagal kitang nakasama bilang P.A. Minsan, nilapastangan mo na rin siya nu’ng mamatay ang ina mo. ‘Wag ganyan, magpakatotoo na tayo. Kaya hindi umuunlad ang ating industry dahil sa maling ginagawa n’yo. Mga praise release na walang katuturan.
Intindihin mo nga ang sinasabi mo. Hindi sa main competition, fake. Ang pinag-uusapan, kung saan galing ang award. Walang problema roon. Aminin din natin na talagang magaling si Nora dati at matagal niya akong tagahanga bilang artista at mang-aawit. Sa akin ka lang naman gumaya na humanga sa kanya. Aminado naman tayo roon. Kaya lang, ang pagkatao ngayon ni Nora ang hindi ko hinahangaan. Kasi walang direksiyon at hindi dapat tularan.
Tulad ng mga sinasabi ng ilang Noranians na walang urbanidad na napatapos ko raw ang mga anak ko sa college dahil kay Nora. Ano? At walang katapusang ano?! Kung si Nora ang nakapagpatapos ng mga anak ko, bakit sa mga anak niya at ampon, wala akong alam na napatapos ni Nora? Tama na ang ilusyon.
Tulad ng sinabi mo, and I quote: “Wala namang kasiyahan ang ibang tao lalo na ‘yung mga buwayang nakapaligid sa Superstar na laging nakaabang at mga mapanghusgang nilalang na hindi nakikita ang sarili nila sa salamin kung ubod linis at walang bahid dungis ang kanilang pagkatao maging ang sino mang pinapaboran nilang manok ‘ika nga.” Unquote.
Guess who’s talking? Your answering your own question. Nonsense. Kayo ‘yan na nakapaligid sa kanya na kahit mali na ang inyong idolo, pilit ninyong itatama. Kaya ano? Tingnan n’yo nang mabuti kung ano ang nangyayari sa idolo n’yo, pabago-bago.
Sa sinasabi niyang kakastiguhin niya si Cristy Fermin dahil sa paninira sa kanyang friend kuno na si John Rendez, ano? Kabaligtaran. Siya pa ang nagsumamo na naka-yuko na parang asong bahag ang buntot na pumunta sa dressing room ni Cristy. Ano ang tawag mo roon? Okay, tama ang magpakumbaba, pero depende sa sitwasyon. Porke’t parehas silang taga-TV5? Dahil sa pagkatao niyang ‘yan, bumaba ang tingin ko sa kanya.
Inuulit ko, bilang alagad ng sining, walang duda, okay siya. Pero bilang tao, kayo ang manghusga kung tama ako. Kung anuman ang naging desisyon ko, may kanya-kanya tayong choice na dapat respetuhin. Okay lang naman kung ayaw n’yo sa akin. Ang sa akin lang, lalo na sa mga fans, hindi lang nina Nora at Vilma Santos, may responsibilidad ako sa tao bilang mamamahayag, at nagpapakatotoo lang ako sa mga isinusulat ko. Dahil ayaw kong linlangin ang mga nagbabasa ng kolum ko. ‘Yun lang!
AT NAKAWIWINDANG pang chikka. Bakit parang wala nang makuhang talents ang TV5 sa pagho-host ng isang talkshow?
Like Lucy Torres-Gomez sa Ang Latest, utang na loob. Nakakawalang-respeto sa pagiging isang public official ang kanyang ginagawa. Hindi bagay sa kanyang pagkatao na isang congresswoman, nang-iintriga ng mga artista.
Sa bagay, hindi lang naman si Lucy Torres-Gomez ang ganyan, marami sila na mga walang karapatang mag-host, pero pilit na isinasaksak sa show kasi wala silang mapaglagyan sa mga talent na ito.
Isa pa, wala na ‘yung sinasabing credibility, kundi palakasan na. Kaya tuloy ang resulta, palpak ang show. At sana, tigilan na nila sa kanilang sarili kung nararapat ba sa kanila ito o hindi. Kasi katawa-tawa lang sila. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding