NAG-AAPLAY AKO ng trabaho sa isang agency para sa abroad. Sa pagkakaalam ko po ay prinsipal ang sasagot sa mga gastusin sa visa, pamasahe, processing sa POEA at membership sa OWWA. Tama po ba ako? Nang sabihin ko ito sa agency, ang sabi nila’y malulugi naman sila kung pati ang mga ito ay sasagutin nila. Paano po ito? — Cris ng San Jose City
ANG MGA bagay na nabanggit mo ay sagutin talaga ng prinsipal. Maliban na lang kung may batas na nagsasabing hindi nila ito dapat bayaran.
Sa kaso nga ng mga seaman ay wala silang dapat bayarang anuman. Malulugi ba ang ahensiya?
Hindi naman. Maaari ring bawiin ng ahensiya sa kani-kanilang mga prinsipal ang anumang ginastos nila sa pagpapabiyahe ng seaman.
Dagdag pa rito, mahalagang malaman ng mga aplikante na oras na hindi sila napabiyahe dahil sa kasalanan ng ahensiya, maari nilang hilingin na i-refund ang mga nagastos nila.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo