Dear Chief Acosta:
Meron po akong kaibigan na mayroong tindahan. Sa ngayon po ay apat ang kanyang mga trabahador. Gusto na po niyang huminto sa pagnenegosyo dahilan sa nalulugi na po siya.
Kailangan po ba niyang bayaran ng separation pay ang kanyang mga trabahador? Magkano po kaya ang kailangan niyang ibayad? –Anita
Dear Anita,
Ang partikular na probisyon ng batas na tumutugon sa inyong katanungan ay ang Article 283 ng Labor Code of the Phi-lippines.
“Article 283: Closure of establishment and reduction of personnel.—The employer may also terminate the employment of any employee due to the installation of labor saving devices, redundancy, retrenchment to prevent losses or the closing or cessation of establishment or underta-king unless the closing is for the purpose of circumventing the provisions of this Title, by serving a written notice on the workers and the Ministry of Labor and Employment at least one (1) month before the intended date thereof. In case of termination due to the installation of labor saving devices or redundancy, the worker affected thereby shall be entitled to a separation pay equivalent to at least his one (1) month pay for every year of service, whichever is higher. In case of retrenchment to prevent losses and in case of closure or cessation of operations of establishment or undertaking not due to serious business losses or financial reverses, the separation shall be equivalent to one (1) month pay or at least one-half (1/2) month pay for every year of service, whichever is higher. A fraction of at least six (6) months shall be considered one (1) year.”
Nakasaad dito na ang isang may-ari ng isang kompanya o negosyo ay pinahihintulutang magtanggal ng kanyang mga empleyado kapag siya ay magsasara na ng negosyo dahil sa pagkalugi o para maiwasan ang mas lalong pagkalugi.
Ang gagawin lamang ng inyong kaibigan ay iparating niya sa kanyang mga empleyado sa loob ng isang buwan bago ang kanyang napi-pintong pagsasara. Babayaran din po niya ng separation pay ang kanyang mga empleyado ng katumbas ng kanilang isang buwang sahod o kalahating buwan na sahod para sa bawat taon na nagtrabaho ang mga ito sa kanyang kumpanya o negosyo, alinman dito ang mas mataas. Ang anim na buwan na serbisyo ng empleyado ay ikokonsiderang isang taon para sa pagbibilang ng haba ng serbisyo ng isang empleyado. Ang halaga na dapat bayaran ng inyong kaibigan ay base sa buwanang suweldo at kung ilang taon nagsilbi o nagtrabaho ang kanyang mga trabahador sa kanyang tindahan.
Subalit maaari rin po siyang hindi magbayad ng separation pay kapag napatunayan niya na ang kanyang pagsasara ay sanhi ng seryosong pagkalugi. Ayon sa desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng North Davao Mining Corporation vs. NLRC (254 SCRA 721) sinabi ng Korte Suprema na kapag ang isang kompanya ay nagsara dahil sa matinding pagkalugi hindi ito kinakaila-ngang magbayad ng separation pay. Kailangan lamang nitong patunayan na siya ay nagtamo ng matinding pagkalugi upang hindi siya magbayad ng separation pay. Subalit, sa ganitong sitwasyon, maaari rin po na magbigay ang kaibigan ninyo ng tulong pinansyal ayon sa kanyang kagandahan ng loob.
Atorni First
By Atorni Acosta