NITONG MARTES, humarap sa solo presscon si Luigi Revilla para sa Tres for his episode titled Amats. Taong 2010 pa nag-start mag-showbiz si Luigi pero mas pinili niyang tapusin ang pag-aaral kaya saglit siyang nawala.
Hindi kaila na si Luigi ay half-brother nina Jolo at Bryan kay Bong Revilla. Magkaiba sila ng ina, pero magkaganunman, okey raw naman ang kanilang relasyon.
“Sobrang blessed. And ‘yun nga, they don’t treat me like a half-brother. Kung pakilala ako kahit kanino, sasabihin nila, “uy, kapatid ko si Luigi.”
“‘Yung pagtrato nila sa akin, parang hindi ko talaga ma-explain dahil sobrang they accepted me especially, si Tita Lani (Mercado, wife ni Sen. Bong and mother nina Jolo at Bryan),” sabi pa ng bida ng Amats.
Hindi rin daw siya nagkaroon ng problema kay Lani kahit pa anak siya sa labas ni Bong.
“When I first went to Alabang, parang never ko na-feel na I wasn’t welcome, from day one talaga. I’m sure, kahit paano masakit ‘yun, eh, kay Tita Lani.
“You can’t deny na… siyempre, may anak si Papa sa labas. Pero grabe, bilib ako sa pag-handle niya ng situation dahil she never made me feel na I was out of place, especially when I visit, parang siya pa ‘yung nagpapakain sa akin.
“And I love Tita Lani. I see her as my second mom, and my mom (Lovely Guzman) and her are okay also and I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted me to the family. And ngayon, sobrang close kami,” dire-diretso pang pahayag ni Luigi.
Samantala, bukod sa Amats ni Luigi, mapapanood din si Jolo sa 72 Hours at si Bryan naman sa Virgo na featured din sa Tres na isang trilogy movie na showing on Oct. 3.
La Boka
by Leo Bukas