PAGKATAPOS maging PBB housemate ay hindi nag-full time sa showbiz si Luis Hontiveros dahil ayon sa kanya, kulang na kulang pa raw siya sa confidence. Pero ngayong 2021, ani Luis ay ready na siya.
Isang sexy drama movie titled Palitan mula sa direksyon ni Brillante Mendoza ang kanyang kauna-unahang indie project kung saan isa siya sa lead actor.
“It’s God’s timing na lang din. I think I wasn’t ready yet before noong mga panahon na nagkakilala tayo Tito Leo, nagsisimula ako sa industriya. I wasn’t confident enough with my craft.
“To be honest, noong pagpasok ko ng showbiz dahil nagsimula nga ako sa reality show na PBB, tapos paglabas ko hindi ko pa alam kung saan ako mapupunta dahil hindi ako marunong kumanta, sumayaw, o umarte during that time,” katwiran ni Luis.
Aminado rin ang binata na after PBB ay gumawa rin naman siya ng effort para ma-hone ang kanyang craft.
Pagtatapat niya, “Inaral ko lang talaga yung pag-arte and dumating na lang sa isang punto ng karera ko na may naka-eksena akong veteran actress, tapos doon ko naramdaman yung experience ng tunay na pag-arte tapos doon na ako na-fall inlove sa pag arte.
“I’ve been really studying the craft, honing my craft, kasi sabi ko ayaw kong sumabak sa giyera ng wala akong bala. Ayaw kong makilala na, parang for me, iba yung definition ng celebrity at actor. I really define it differently, gusto ko makilala ako bilang actor. Gusto ko makakuha ako ng respeto bilang actor.”
Malaking bahagi rin daw ng mga natutunan niya sa acting at kung bakit siya nagkaroon ng passion dito ay dahil kina Jake Cuenca at Yayo Agila.
“Isa na doon si Jake Cuenca. He was a very generous friend, and as an actor, talagang nag-meet up pa kami sa labas, sa Rockwell that time, tapos we sat down, had a couple of drinks, while he was helping me dissect my character.
“Tapos ang nakaeksena ko sa kontrabida role na yon na, na-feel ko talaga na ito yung acting was with ate Yayo Agila. Talagang iba yung binigay niya doon sa eksena na yon,” kuwento ni Luis.
Hindi naman makapaniwala ang model-actor na naidirek siya ng 2009 Cannes Best Director na si Brillante Mendoza sa Palitan.
“I’m still overwhelmed, in awe. Hindi talaga ako makapaniwala noong una kasi nga Direk Brillante Mendoza, best director sa Cannes. So, for someone na nagsisimula pa lang somehow sa industry, tapos first indie film ko pa, and then I would be working with a director like him, talagang I’m really blessed and grateful sa tiwala, sa opportunity na ibinigay nila para maipakita ko kung ano yung kakayahan ko sa craft ko sa pelikulang ito.
“Working with him is not just… hindi lang maganda sa resume ko, ‘ika nga, pero ang dami kong natutunan sa kanya. A lot of wisdom, on-and-off cam, so I’m very grateful also for him,” deklara ni Luis
Dahil nagsimula bilang ramp model si Luis kaya hindi maiwasang ungkatin kung ano ang mga isyung pinagdaanan niya noon. Isa na nga raw dito ay may kaugnayan sa kanyang sekswalidad.
“Sa modelling days, I think any other male model, may pagdadaanan na kung anu-anong isyu kasi we’re in the entertainment industry. Sa akin, nagmo-model pa lang ako, even before pumasok ako sa showbiz, parang may mga kumakalat na bakla raw ako.
“Na kesyo ganyan, kesyo ganito. Alaga ni ganito, tumatanggap ng indecent proposals. Well, for me, noong una, parang, what? Parang nasa-shock pa ako, affected ako.
“But after so many years being in the industry, knowing myself, knowing yung katotohanan na wala naman ganung nangyari, I just brushed it off. At the end of the day, the only opinion that matters are the people who actually matter to me,” pagbabalik-tanaw ng Palitan actor.
Samantala, co-stars ni Luis sa Palitan na mapapanood sa Vivamax sa Dec. 10 ang aspiring actors na sina Jela Cuenca, Cara Gonzales, at Rash Flores.