HIGIT SA INAASAHAN ang naging box office success ng Petrang Kabayo na launching movie ni Vice Ganda. Sa unang anim na araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan, naka-gross kaagad ang nasabing pelikula which was directed by Wenn Deramas ng 107 million pesos. And still, as of presstime, ay talagang parang powerful na kabayong sumisipa pa rin ito nang husto sa takilya at tinatayang sa entire run ay makaka-150 to 200 million ang magiging total gross nito.
“Grabe!” ana’ng Viva Films producer nga na si Vic del Rosario. “Hindi namin ini-expect na ganito kalakas ang Petra. At nakakatuwa na ang mga tao, hindi natinag ng bagyong Juan. Naglabasan pa rin at nagpuntahan sa malls para manood.
“Bihirang mangyari ito sa mga Tagalog movies. Kaya sana, tuluy-tuloy na ang movie industry. Kapag umabot ng 150 million ang gross receipt ng Petrang Kabayo, kandidatong maging Box Office King si Vice next year.”
Hindi apektado ang big boss ng Viva Films sa unang kumalat na balitang flop daw ang first movie na ito ni Vice. Ang nasabi na lang niya: “Hayaan na lang natin sila. Ang importante, hawak natin ang katotohanan na maraming napasaya ang Petrang Kabayo. Kaya manood na lang din ‘yong mga detractors para hindi sila mahuli sa balita.”
Ganyan?
Kung sabagay, hindi magkakaroon ng bonggang-bonggang victory party ang Viva Films para sa Petrang Kabayo kung hindi ito certified mega-blockbuster, huh!
‘Yon lang!
PAGBUNGAD PA LANG ni Luis Manzano sa venue ng ginanap na victory party nga for Petrang Kabayo last Wednesday, kaagad na namin siyang hinila sa isang sulok for an interview. At gaya nga ng iba pang bahagi ng nasabing mega-hit na pelikula, masayang-masaya rin daw ang binata sa tagumpay nito sa takilya. Abut-abot nga ang pasasalamat niya sa lahat ng nanood at sumuporta sa movie.
Natawa lang siya nang biruin namin tungkol sa aksidenteng paghi-hello ng kanyang private part sa isang tagpong naliligo siya. Reaksiyon ng aktor: “’Yon, Aksidente naman kasi, from the very very start, sinabi ko naman na ‘yong anggulo ng camera, wala talagang makakakita. Kasi nasa likuran ko ‘yong camera. Ang parang nagkaroon ng early Christmas gift (mga bading sa production na kasama ng iba pang naroon sa set na nakakita ng pagsungaw ng kanyang private part sa suot niyang underwear) ‘yong mga nasa kaliwa ko nang konti.
“And aminado naman ako na ‘yong nangyaring iyon, ako ang may kasalanan. Walang ibang masisisi roon kundi ako. Hindi naman lumampas ng one second ‘yon.
“Tsinek din naman ni Direk Wenn at saka ng production kung may mga nakakuha sa mga cellphones, wala naman daw. And I highly doubt na makukuhanan kasi wala naman silang wide lens, eh.
“Naging naughty kasi ako during the take. Na naka-boxer short ako tapos ‘yong kamay ko, inilusot ko sa loob ng boxer. Paglusot ko sa may leg, pagbalik… medyo ‘yong angat ng boxer, mali. So ‘yon. Pero kumbaga, ang bilis lang nangyari.”
Isang embarassing experience ba ‘yon sa kanya? What was his feeling after that incident?
“Natawa. Kasi… alangan namang iyakan ko eh, ako naman ang may kasalanan? Wala. Natawa lang ako. At saka I know nga na definitely, hindi kita sa camera.”
Merong mga nagsasabi, parang may pagka-exhibitionist daw naman kasi siya.
“Exhibitionist talaga ako, eh!” natawang sabi ng aktor. “Pero hindi naman sa talagang ilalabas ko na ‘yong… ano.”
Kung sabagay, sexy naman siya. And a lot of girls and even gays nga are fantasizing over him.
“Thank you!” nangiting reaksiyon ni Luis. “It’s not for me to say.”
Kumusta naman sila ni Angel Locsin ngayon? Sabi kasi, okey na ulit sila na parang lumilinaw ang tsansang magkabalikan sila.
“We’re okay. Kasi gano’n pa rin… kaya ko namang sabihing hindi pa rin kami nagkakabalikan ni Angel. Pero kumbaga, we’re enjoying things right now. Kung ano ang meton kami.”
Pero bakit may balita na may mga pagkakataon daw na nakikita silang magka-holding hands kapag lumalabas sila? At dahil do’n, may mga naghihinalang nagkabalikan na marahil sila at ayaw lang nilang umamin.
“Hindi ko masasagot ‘yon. Pero… kapag nagkakasama kami ni Angel, hindi naman maiiwasan na alalayan mo ‘yong tao. Na hahawakan mo ‘yong likod o hahawakan mo ang kamay.
“But I can say straight up na hindi pa nga kami nagkakabalikan ni Angel. I’ll be perfectly honest na hindi pa.”
Pero lumilinaw na nga ang tsansa for him to win Angel back?
“I guess that’s for her to say din kahit papano. Pero sabi ko nga, we’re taking everything slowly. Kung anuman ‘yong naging lamat sa amin dati, we’re trying our best na ayusin. Para kung may new story (bagong chapter ng lovestory nila na sila ulit), wala na ‘yong mga lamat.”
Hindi masabi ni Luis kung hanggang kailan siya mag-i-effort nang todo sa panunuyo niya kay Angel. Hindi naman daw niya gustong madaliin ito. Willing umano siyang maghintay.
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan