MUKHANG LUMAGPAS NA sa dating stage sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.
Bakit namin ito nasabi? Well, kapag pumupunta raw kasi si Luis sa bahay ni Jen ay dumidiretso raw ito sa kuwarto ng aktres. Ganoon na raw sila ka-close ngayon.
Kung totoo ito, maaari ngang magdyowa na ang dalawa at ayaw pa lang nilang umamin para walang kumplikasyon sa kanilang relasyon. Kapag kasi umamin ang dalawa na sila na nga ay lalo pa silang maiintriga.
At hindi rin daw totoo ang tsismis na kuripotsina si Luis. In fact, ginagastusan daw ng binata ang aktres. Kung mamili raw ito ng pagkain ay sobra-sobra.
Naging ugali na raw kasi ni Luis na mamili ng pagkain sa mga stopover niya kapag nagho-host siya ng Pilipinas Got Talent sa malalayong probinsiya. Panay raw ang bili nito ng pasalubong.
At kung titingnan mo nga raw ang ref ni Jen sa bahay ay punung-puno ito ng pagkain, mostly ay galing kay Luis. Ganoon daw kaa-laga si Luis pagdating kay Jen.
GRABE ANG GINAWANG record ng Ang Babae sa Septic Tank sa katatapos na Cinemalaya.
Humataw talaga ito sa takilya at talagang pinilahan. At ang higit na nakakatuwa, nakalimang award ito sa awards night ng Cinemalaya Independent Film Festival 2011. Nagwagi si Eugene Domingo ng best actress.
Ipalalabas na sa malala-king sinehan ang indie film na ito ni Eugene.
Dahil sa tinamong success, natanong si Eugene kung hindi pa ba lumalaki ang kanyang ulo.
“Hindi na siguro. Todo na ‘tong laki ng ulo ko. Tama na ‘to,” sagot ng komedyante na nagdiwang ng kanyang 40th birthday kamakailan.
“Ang ibig kong sabihin, ang sarap naman talagang pumunta sa mga international filmfest. ‘Yun ang pinakamalapit na puwede kong masalihan kasi hindi naman ako puwedeng maging beauty contestant, ‘di ba?
“’Pag sumama ka sa international filmfest, you also represent your country kasi may dala kayong produkto galing sa bansa n’yo, eh. Doon kayo nagkikita-kita lahat at kanya-kanya kayong paandar doon. So, patalinuhan kami doon, bigayan ng calling card… nagagandahan naman sila sa akin, awa ng Diyos! Ha! Ha! Ha!”
So, mas angat na ang level niya ngayon na bidang-bida na siya, hindi katulad nu’ng dati na best friend siya ni ganito, yaya siya ni gano’n?
“Paminsan-minsan, naiisip mo ‘yan. Natutuwa ka na. ‘Naku, salamat naman, naitataas ko naman ‘yung level ko kahit paano’. Kasi minsan, iisipin mo puwede namang lagi kang best friend, lagi kang sidekick. So, ngayong binigyan ako ng
role dito sa Septic Tank na very meaty at nabigyan pa ng acting award, natutuwa ako na umabot ako roon,” esplika ng komed-yante.
TOMORROW NA ANG pagda-ting ng nag-iisang Superstar sa bansa na si Nora Aunor. Wala na raw itong urungan kaya naman nakatitiyak kaming mara-ming fans niya ang matutuwa.
Ayon sa balita, isang political drama mini-series ang gagawin ni Ate Guy sa TV5 kaya naman lahat ay inihahanda na sa kanyang pagdating.
Tama ba ang nasagap naming tsika na sa isang five-star hotel pa ang presscon ni Nora sa araw ng kanyang pagdating? Kung totoo, aba, talagang superstar treatment na nga ang ibinigay sa kanya bilang bagong Kapatid.
Bukod sa mini-series ay may special role rin si Nora sa pelikulang ginagawa ni Laguna governor ER Ejercito, ang El Presidente.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas