Sa grand presscon ng nagbabalik na game show ng ABS-CBN, ang “Minute To Win It (Last Man Standing) hosted by Luis Manzano, nagkaroon ng chance ang press na makapaglaro at manalo ng cash prizes. Magsisimula na ngayon Lunes (July 18) hanggang Biyernes ang pinaka-exciting na game show ng bansa.
Ayon sa TV host, kakaiba raw ito sa mga game shows na nagawa na niya. Iba ang style ng pagho-host niya sa “The Voice”.
“Okay lang maging makulit ako nang kaunti, kasi ini-expect ‘yun sa akin ng audience. Pero kapag nag-start na kami ng semi-finals, mas umaayos na ako kasi mas mahirap na ‘yun. Hindi na ako nagiging makulit. Ang mga bida ng show ay ‘yung mga bata at judges. May mga nagsasabing medyo okay kaya ipinapakita ko. It’s more serious, ayaw kong baguhan baka hindi mag-work,” pasimulang bungad ng binata.
Proud na ibinida ni Luis Manzano na idol niya ang kanyang Daddy Edu Manzano pagdating sa game show hosting. “Sa totoo lang, magaling talaga ang actor pagdating sa pagho-host. I’m always a big fan of my Dad,” lahad niya.
Always on the go si Luis, hindi siya nawawalan ng TV project sa Kapamilya Network. Pero kahit gaano ka-busy ang TV host/actor, may time din naman siyang mag-relax at magpahinga. “Naniniwala akong kailangang balance talaga, mahal ko ang pahinga. Lahat din kami, hindi kami parang teleserye hours. Ito kasi, kahit may cut off, it’s still a long day,” say nito.
Ang “Minute To Win It” ang pinakamahabang game show na ginawa ni Luis.
“Pero my first break sa hosting, ‘Deal Or No Deal’. So that I will treasure it in my heart. That time, kailangan kong mamili, ‘Deal’ or ‘Feud’. Kasi magkakatapat ‘yung timeslot. ABS make me to choice, magpa-‘Family Feud’ ba ako o ‘Deal Or No Deal’? Sabi ko, nag-start ako sa Deal so du’n ako. Hindi porke may bagong show na dumating doon ako, it’s not my style. Kahit ibigay ninyo sa ibang host, hindi ko puwedeng iwanan ang ‘Deal’ family ko,” kuwento niya.
Para kay Luis, ‘yung pagiging makulit niya parang kay Vilma Santos yata nito namana at hindi kay Edu. “Hindi ko alam… People say ‘yung kakulitan ko for example, it’s all my dad. ‘You would know, ‘yung malalapit sa mommy ko. Si mommy ay isa sa pinakamakulit na tao rin ‘yan. Nauunahan lang ‘yung kanyang image bilang mayor, bilang governor, at showbiz personality.”
Mahalaga para kay Luis ang kanyang awards na natanggap sa iba’t ibang award-giving bodies as TV host/actor para lalong pagbutihin ang pagiging game show host. Everytime na bababa siya ng bahay, nakikita niya ‘yung different awards na natanggap niya. Gusto pa rin ni Luis na madagdagan pa ang awards na kanyang natanggap.
If ever Luis have a minute to live, gagawin niya kung ano ang maisip niya, like mag-sky dive siya or scuba diving. Aside sa pagho-host, pangarap pa rin niyang makagawa ng makabuluhang pelikula tulad ng ginawa ni Sean Penn sa “I am Sam”,
“Naka-dalawang ‘MMK’ na ako, naging Best Supporting Actor sa ‘In My Life’. Selfless lang ako, okay lang sa akin na hindi ako umaarte. Kasi kung umaarte ako, saan mo ilalagay sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz? Iniisip ko na ‘yung sarili ko, okay na akong hindi makaarte. Kesa naman masama ang tingin sa akin nina Piolo and John Lloyd. ‘Yung acting ko kinuha mo,” nagbibirong sambit ng actor.
“Ayaw kong sabihin na magaling ako, kung saan ako sanay. Mas gugustuhin kong mag-ilang beses muna akong mag-Best Supporting bago‘yung Best Actor dahil gusto kong matuto,” pahayag ng magaling na TV host.
Hindi itinanggi ni Luis na sa pagho-host, kinakabahan pa rin siya nang sobra-sobra kaya ayaw niyang magpa-workshop for TV hosting.
“Alam kong marami pa akong dapat matutunan sa pagho-hosting. Ang dami ko pang ginagawang mali. Kaya sinasabi ko, nahihiya akong magpa-workshop, so I get nervous every single time. I can go to the workshop, sabay-sabay tayong matuto. Happy ako, pare-pareho tayong matututo. You will learn from me, in the same way I will learn from you. ‘Yung magpa-workshop ako, hindi. Pareho-pareho lang tayo, may kanya-kanya lang tayong forte. That is why I don’t host beauty pageant, ang dami nang ini-offer sa akin, ang Binibini… Ms. Earth… ang dam, iiniiwasan ko na. Alam ko ang sarili ko, for example sa question and answer, baka magtuluy-tuloy ako. Magbato ako ng punchline, bash ako the next day, ‘yung mga ganyan,” kuwento niya.
Payag si Luis na mag-host kung Ms. Gay beauty contest. “P’wede, bastos po ako, hindi po ako nagmamalinis. Hindi ko inilalagay ang sarili ko sa pedestal, palamura ako, lahat-lahat. Never akong nagmalinis. So please du’n sa may mga nagsasabi na may basher ka, take the high road. I don’t believe in the high road, I don’t believe na gantihan tayo… Make it sure na mas malakas ka sa akin, ‘yun lang ‘yun. Hindi ako nagmamalinis. People say, hindi ka pala ganyan, sa TV ang bait-bait mo… hindi po. Masama ang ugali ko. I mean that from my heart. Hindi ako nagpapakaplastik, sa TV bait- bait ako, hindi. Gago ako, palamura ako, bastos ako. Lahat ng ‘yan sa akin pa manggagaling,” diretsong sambit ni Lucky.
Challenge para kay Luis kung ini-enjoy ng viewing public ang pagho-host niya ng game show at napatataas nito ang rating.
“‘Yung producer mo, happy sa ‘yo. ‘Yung audience mo, happy sila.Ibang klase ‘yung sense of achievement, ‘yung makikita mo ‘yung mga tao, nag-i-enjoy and people are smiling. ‘Yung iba, sasabihin sa ‘yo, ang kulit mo sa ‘The Voice’. Gusto ko sanang sabihin na walang perang katumbas ‘yun, pero mayroon,” aniya.
Kung tungkol sa kanila ni Jessy Mendiola ang tatanungin, matipid magsalita si Luis. Bigyan raw sila ng privacy ng dalaga. Kung anuman daw relationship mayroon sila ngayon, ipaubaya na lang natin sa kanila. Pero nagsalita si Jessy na malaki ang chance na maging sila ni Luis kung magtutuluy-tuloy ang panunuyo ng binatang anak ni Ate Vi. Inamin naman ni Luis na nagde-date sila, open to the public ang pagiging close nila sa isa’tisa. Wala raw silang dapat itago, dahil pareho silang single. Sige na nga…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield