FOR THE second time around, nasa cloud nine ngayon sina Angel Locsin at Luis Manzano. Na-realize daw nila pareho nasa puso pa rin nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Kahit nagkahiwalay at parehong nakipagrelasyon, kailangan pa rin nila ang bawa’t isa. Sa kanilang pagbabalikan, never daw nilang pinag-usapan kung anumang relationship mayroon sila in the past. Bahagi ‘yun ng nakaraan, tapos na raw ‘yun para pag-usapan pa. Ang mahalaga ay ‘yung present and future, ayon kay Angel.
Sabi nga ni Luis, hindi nagtanong si Angel kung ano ang naging dahilan ng break-up nila ni Jennylyn Mercado. Nirerespeto ng actress kung anuman ang naging relationship nila noon. Ganu’n din siya kay Angel, never itong nagtanong tungkol kay Phil Younghusband.
“Bakit gagawin pa nating komlikado ang mga bagay-bagay. Tapos na ‘yun, si Angel ngayon ang special someone. So, ‘yun ang importante. Mas kakaiba nga ‘yung feeling na nararamdaman namin na mahirap ipaliwanag. We’re both happy sa relationship namin, ‘yun.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield