LALONG UMUGONG ang balitang malapit nang ikasal si Luis Manzano kay Angel Locsin nang sabihin ng una sa mga press na he is not getting any younger.
Lately nang humarap uli si Luis sa press ay tinanong uli ang actor kung kailan ang kasal at kung tuloy na ang pagtakbo niyang mayor sa Batangas. Inamin naman ng TV host/actor na napag-uusapan na nga nila ni Angel ang kasal. Nasa point na nga raw sila na pati kung sino ang gusto nilang kumanta sa weddingi.
“We’re starting to have a clearer picture. Things are getting clearer sa future namin,” say ni Luis.
Pero wala pa raw talagang date. Pero at least naman daw ay napag-uusapan na.
“Ayaw naman namin na magpakasal because people just want us to. Kami ang ikakasal, hindi ang ibang tao. Metikuloso ako. In terms of something special as a wedding. Oo, Metikuloso ako sa ganyan. May pagka-OC (obsessive-compulsive) sa ganyang bagay. Namana ko rin siguro. Hindi ko alam kung kay mommy o daddy. Something that special, OC ako,” katuwiran pa ni Luis.
Nagpaliwanag din si Luis sa hindi niya pagtanggap ng movie kasama ang mother niyang si Gov. Vilma Santos at girlfriend na si Angel Locsin.
“If it’s novelty na ginawa namin sa In My Life, okey ako. Pero siyempre, tatlo kami sa movie. Ayoko namang i-expose ang lahat sa public, na mapag-uusapan sa promotion ng movie,” dahilan ni Luis.
Tungkol naman sa politics, kung tatakbo ba siya talaga o hindi?
“Nag-usap kami ni Tito Ralph (Recto). I think it was his birthday, noong first week ng January, I was in Alabang with my family, nu’ng later part ng party in the evening, napag-usapan nga namin that we have to talk again first,” say ni Luis.
Sa ngayon daw ay 50-50 pa rin kung tatakbo ba siya o hindi na at mag-concentrate na lang sa showbiz.
“One foot is in yes, one foot it is no. The question is which foot moves to the other side.”
Samantalang nagbigay rin ng moment of condolence si Luis para sa mga members ng Special Action Force na namatay sa labanan sa Maguindanao. Kahit hindi man niya personal na kilala ang mga nagpakamatay para sa bayan, may lungkot din siyang nadama.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo