AFTER PETRANG KABAYO ng Viva Films kung saan siya ang parang naging leading man ni Vice Ganda, sa bakuran naman ng Star Cinema ulit gagawa ng pelikula si Luis Manzano. Excited nga ang aktor dahil makakasama niya rito ang iba pang miyembro ng grupo nilang Kanto Boys na nabuo at regular na napapanood sa ASAP.
“Medyo mahirap-hirap pa, pero inaayos ‘yong schedule ng Kanto Boys,” aniya. “Pero… kasi considering ‘yong schedule ni Vhong (Navarro), schedule ni Lloydie (John Lloyd Cruz), schedule ni Billy (Crawford) at ‘yong sa akin, medyo mahirap-hirap.
“But it’s one thing that we’re very very happy na kahit paano, naa-appreciate namin na nagklik ‘yong Kanto Boys. So the fact that Star Cinema trust us enough for a full length movie, so… iyon ang sunod na naka-line up para sa amin.
“Wala pang pasabi kung kailan mag-i-start ‘yong project. Pero kumbaga, we have a special contract for that. Na may Kanto Boys nga. At pinag-iisipan ngang mabuti ngayon kung paano ba ‘yong story, kung paano ang flow, kung dapat bang may mga karakter kami na iikot sa mga personalities namin.”
Bilang TV host, masasabing established na nga si Luis. Napatunayan na rin nga niyang versatile siya sa ganitong larangan. Na puwede siyang host ng talk show, ng musical variety show, at maging ng game show. Napagkukumpara nga sila ngayon ng kanyang amang si Edu Manzano dahil pareho silang may game show na halos magkatapat pa ng airing. Asar Talo ‘yong kay Edu sa GMA-7, Panahon Ko ‘To naman ‘yong kay Luis with co-host Billy Crawford sa ABS-CBN.
“Well I’m very happy na may Manzano on both stations. Actually tatlo na, ako, daddy ko, at si Andi Manzano sa Party Pilipinas. So ini-invade na ng Manzano ang hosting world.
“Siguro kami ni Daddy, we spoke as – alam din naman ng management iyon na hindi kami puwedeng ipagtapat. Kumbaga, patapos na ang Panahon Ko ‘To, lastgap na kami, do’n pa lang papasok ang Asar Talo. Iyon ang alam ko.
“So I’m very very happy naman. One, is I’m very happy as a fan na napapanood ang Daddy ko. Dahil iba naman talaga ang naging impact ni Daddy sa hosting world.
“Second as a son, puwede na ako ulit umutang sa kanya! Ha-ha-ha! May pera na ulit siya.
“Hanggang kailan ang Panahon Ko ‘To? Until February kami. At sobrang tuwa kami sa magandang feedback sa show. At pati sa tandem namin ni Billy bilang hosts. Actually, nagsimula ‘yong magandang rapport namin sa Kanto Boys, tapos sa Pilipinas Got Talent.
“Nakakatuwa na marami ang nakaka-appreciate sa kakulitan namin. Kahit papa’no matagal-tagal na ako sa hosting at si Billy eh, medyo bagu-bago. Pero we’re still bound to learn something from each other. Which is good.”
Tungkol naman sa kanilang dalawa ni Angel Locsin, wala raw masabing bagong update si Luis. ‘Eto so far, okey pa rin naman daw sila. Still on the process of patching things up. And they’re both hoping daw nga for a good start.”
‘Yon nga lang, may Chito Miranda na nali-link din ngayon kay Angel. Totoo nga bang may anggulong love triangle sa kanilang tatlo ngayon?
“’Di ba sinasabi ko naman na barkada sila? Ako, nakakasama ko sila. And… hypothetically, let’s just say na – may something sila, kunwari lang. I’m sure Angel would not put us in the situation na magkasama kami ni Chito.
“Siguro, I’m sure ayaw niyang mailang si Chito. O mailang ako. So… it goes to show na walang gano’n na nangyayari. Barkada lang talaga sila.
“Sa amin naman ni Angel – we have no idea what the future has instored, eh. Honestly. So where it leads? I don’t know. I wish I knew. And I can’t wait to find out.”
“Hoping would be a good word. So… siguro more of hoping. Or puwede ring sabihin na curious what the future has instore para sa aming dalawa. It’s a step by step process na hindi puwedeng madaliin.
“Hanggang kailan ako maghihintay? I wish I knew. Only time can tell. Ayoko namang magbigay ng sagot na hindi ko rin naman pala masusunod. So… in terms of a time table, wala. That would be very unfair for myself kung maglagay ako ng gano’ng time table sa mga ganyang bagay.”
‘Yon na!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan