MATAGAL NANG walang bagong babaeng nali-link kay Richard Gutierrez. At matipid sa kanyang pahayag ang actor kapag natatanong tungkol dito.
“Uhm… I’m dating,” aniya nga in our recent interview wth him. “Hindi naman masama ang mag-date. Pero siyempre, ngayon kasi medyo hectic ang schedule. Pero… yeah! I’m dating. Hindi siya artista!”
Family friend ba nila ‘yong girl? Bago o matagal na niyang kakilala?
“Enough!” sabi na lang ng aktor bilang paramdam na huwag na kaming mag-usisa pa tungkol sa babaeng idini-date niya lately.
Back to work na naman siya ngayon. And he’s really excited daw for his new soap sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli kung saan kasama niya sina Carla Abellana at Sarah Lahbati.
“I’m looking forward to it,” aniya. “Nag-taping na kami one time. But hindi ko pa nakaka-eksena si Carla and Sarah. So… Im looking forward to our scenes. You know, every project is a challenge. Uhm… so I think… yeah! This will be another challenge for me. It’s something new for me. And it’s something exciting. So I think every project has a challenge and something that… I can work harder.”
Kilala si Richard noon pa man sa pagiging maasikaso sa kanyang nakakapareha. Magiging mahirap ba for him na ngayon ay dalawa ang kanyang aalagaang leading lady?
“Well eversince before naman, parang… I’m used to working with lots of different people, eh. And… okey naman.”
PLANO NA nga kayang pakasal nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado? At ang simbahan na napili nilang maging venue ng kanilang wedding ay ang Basilica of St. Martin de Tours sa Taal, Batangas?
Ito kasi ang usap-usapan sa nasabing bayan. May mga nakakita raw kasi kay Luis na nagtungo sa opisina ng simbahan doon para mag-inquire hinggil sa pagpapa-book ng kasal.
Close daw sa mommy ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos ang destinadong pari roon na isang monsignor. Kaya hindi nakapagtataka kung ang simbahan ng Taal ang mapiling venue ng kasal nina Luis at Jennylyn.
Itinuturing na heritage town ang bayan ng Taal dahil sa mga lumang bahay-kastila. At ang Basilica of St. Martin de Porres ang sinasabing pinakamalaking simbahan sa buong Pilipinas, at second largest church naman sa buong Asya. Dito rin ikinasal noon sina Ogie Alcasid at first wife nito na si Michelle Van Eimeren.
If ever na totoong magpapakasal na nga sina Luis at Jennylyn, ideal ngang wedding venue ang nasabing makasaysayang simbahan. Excited na ngang nag-aantabay ang karamihan sa mga residente ng Taal kung talagang doon nga magpakasal ang dalawa.
May formal announcement kayang aangtabayan mula kina Luis at Jennylyn soon?
Abangan na lang natin!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan