MAIHAHALINTULAD SA ISANG top-rating na teleserye ang nakaraang Star Magic Ball – puno ito ng saya, drama, romance, aksyon, excitement, at kontrobersiya. Pero sa kabila ng ingay na hatid ng selebrasyon ay tila tahimik naman sina Luis Manzano and Jennylyn Mercado who did not attend the Star Magic Ball kahit imbitado sila.
Marami tuloy ang mga lumalabas na espekulasyon na nagkaroon sila ng matinding away noong panahong iyon kaya hindi sila nakadalo sa Star Magic Ball. Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi sila naka-attend?
“Hindi talaga ako nagpunta. I was supposed to go with Jen. Imbitado kami ni Jen. Hindi po kami tumuloy. May nagsabi, nag-away kami, hindi. Magkasama pa rin kami noong gabing iyon. Nagkataon lang na we had things to do kaya ‘di namin napuntahan ang Star Magic Ball. Hindi po kami nag-away,” paliwanag ni Luis.
Sa kabila ng mga intriga, iginiit ni Luis na mas lalo pang gumaganda ang kanilang samahan ni Jen. “Everything is falling into place. Sinabi ko naman na milya-milya ang layo sa M.U. pero iyong formality na she’s my girlfriend, I’m her boyfriend ay wala pa naman. We are very much open naman sa kung anong namamagitan sa amin. Bakit ako aamin kung hindi naman talaga kami? I don’t see the point na I just have to answer to satisfy a bunch of people. I would like to think that we serve as an inspiration to each other.”
Sana nga ay magtuluy-tuloy ang kanilang magandang pagtitinginan na nagsimula early this year dahil madalas silang nagkikita sa mga events at sa pagte-train ng Muay Thai at Jujitsu. Makikitang espesyal si Jen kay Luis na laging handang ipagtanggol ang babaeng kanyang mahal. Hindi rin isang malaking isyu para kay Luis ang pagkakaroon ng anak ni Jen.
Samantala, papasukin na rin ba ni Luis ang mundo ng pulitika? Pabiro diumano siyang ipinakilala sa isang event sa kanilang lugar na siya (Luis) ang next mayor ng Lipa. “Last election pa lang [ay] may nag-iimbita na sa akin for that position. Kumbaga when the time is right. Hindi ko binase sa ginagawa ng pamilya ko. It may serve as an inspiration pero hindi as a pattern. Lahat tayo, may responsibilidad. Siguro that’s one proper venue to give back. Hindi ko pa sinasara ang pinto ko at never kong isasara ang pinto ko sa pulitika,” sagot niya.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda