MARAMI NA sa mga dating Kapamilya stars at kasamahan ni Luis Manzano sa ABS-CBN ang lumipat na ng ibang TV network. Ang ilan ay nasa TV5 pero ang iba naman ay nasa GMA-7. Pero sa kaso ni Luis, nananatili pa rin siyang Kapamilya hanggang ngayon.
Isa sa pinakabagong nag-ober da bakod ay ang kaibigan ni Luis na si John Lloyd Cruz na nakasama niya noon sa pelikulang In My Life na pinagbibidahan ni Vilma Santos ay nag-ober da bakod na rin.
Ano ba ang reaksyon niya dito?
“Alam mo Kuya Leo, ako ang unang-unang magsasabi na ‘a man has to do what a man has to do.’ I will never judge any artist, any staff, kahit sino na lumilipat ng istasyon because siyempre kung nasaan ang trabaho do’n ka dapat lalung-lalo na kung may pamilya ka,” pahayag niya sa amin.
Patuloy niya, “Why would I judge someone na ang habol lang naman niya is to provide whether for himself or for his family. I will never judge any of the artist na lumipat – never.”
Hindi rin daw sumagi sa isip niya ang umalis sa ABS-CBN dahil masaya at kuntento naman siya dito. Napapanood si Luis sa ASAP tuwing Sunday at katatapos lang niyang mag-host sa Your Face Sounds Familiar.
“Alam mo, at this time, I’m still with ABS, busy pa naman ako sa ABS,” matipid niyang reaksyon.