SA TAKBO ng friendship mayroon sina Angel Locsin at Luis Manzano, tipong magkakabalikan na nga ang dalawa. Mas may excitement daw ang relationship na mayroon sila ngayon kaysa dati. Inspired pareho sa pagtratrabaho ang dating mag-dyowa. Kahit hindi nagkikita, everyday nagte-text o tumatawag ang TV host/actor sa dalaga na ikinatutuwa ng actress, ayon sa aming source.
Sinimulan na nga ni Luis na ligawan si Angel, dumadalaw sa bahay ng dalaga may dalang regalo kahit walang okasyon kapag walang taping schedule ito. Tanggap naman ng pamilya ng actress ang binata dahil sa magandang pag-uugali nito at pagiging gentleman. This time, seryoso to the max na si Luis na magkabalikan uli sila ni Angel.
If ever maging sila na nga, ikatutuwa ito ni Gov. Vilma Santos at Edu Manzano. Sa umpisa pa lang ng relationship nina Angel at Luis noon, very vocal na ang mga ito na boto sila sa dalaga para sa kanilang anak. Walang magiging hadlang sa kanilang pagmamahalan for the second time around. Inamin naman ni Angel na may kilig pa rin siyang nararamdaman tuwing nagkikita sila ni Luis. Malamang this coming Valentine’s Day, magiging official na ang pagbabalikan nina Angel at Luis as lovers. Abangan…
MAHABANG PAGLALAKBAY ang nangyari sa grupo ng Jeremiah na sina Froilan Lorenzo Calixto at Piwee Polintan. Nakilala at sumikat sa mga original Tagalog songs tulad ng awiting “Nanghihinayang”. Matagal nang na-disband ang Jeremiah dahil ang dalawang original members nilang sina Symon Soler ay permanent nang nanirahan sa Los Angeles at si Olan Crizaldo naman ay nagtrabaho na sa Chicago.
Tanging sina Froilan at Piwee na lang ang naiwan sa grupo. Nagkanya-kanya na rin sila ng karera, nag-solo si Froi at gumawa ng sarili niyang album. Samantalang si Piwee, nakikipaglaban kay kamatayan sa sakit nitong kanser sa lalamunan. Kailangan nitong sumailalim sa theraphy.
Nagpunta si Piwee sa Japan para hanapan ng lunas ang sakit niyang cancer. Nagbaka-sakaling may magagawang lunas ang expert doctors sa ganu’n klaseng karamdaman. Sa tindi ng kanyang pananalig sa Panginoon, parang himalang gumaling ito. Bumalik sa dati ang maganda niyang boses, mas matindi pa raw ngayon.
Ngayon, nagbabalik ang Jeremiah with the 2 new members of the band, sina John Patrick Cruz at Jay-R Manosca. Regular silang nagpi-perfrom sa The Crowd Bar with Richard Villanueva as the entertainment manager/singer, every Tuesday and Thursday at Madison Square, Pioneer St., Mandaluyong. This time, new type of songs and music (jazz, RNB, love song) you will hear from them.
Ayon kina Froilan at Piwee, magbabalik Pinas si Olan (original member) and they’re planning to have a show at The Crowd Bar this coming April, 2014. Abangan…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield