MARAMI ANG humihimok kay Luis Manzano na tumakbong mayor ng Lipa City, kung saan nanungkulan ang mommy niya ng tatlong term bago ito naging governor ng batangas. Pero wala pang desisyon ang aktor para rito.
“Alam naman nila na wala akong gagawin para ikasira sa pangalan ni mommy. So, may mga tao rin na kumakausap sa akin,” aniya nang makausap namin kamakailan sa presscon para sa Top 6 ng The Voice Kids, kung saan isa siya sa hosts.
Kung sakali, anong partido kaya ang kanyang sasalihan if ever?
“Well as of now, my mom is with the admin. So, kung sakali man, as of this conversation, I mean talking lang talaga… sa nakikita ko, admin. Naniniwala din ako sa admin.”
Sa bawat mga nagiging desisyon daw niya, laging may konsultasyon sa kanyang pamilya.
“Family first. They would know. Buti sana kung ‘yong pamilya ko, wala sa pulitika. Besides from being family, they would know. They would be the first ones to consult. Or ask advice from.”
Fifty-fity pa raw ang isip niya hinggil sa pagpasok sa pulitika. Kailan ang deadline niya for him to decide?
“Nausod na nga na naman, e. Kanina, nag-usap kami ni Angel (Locsin, his girlfriend). Sabi ko… sige bigyan mo ako nitong time na ito. Sabi naman niya… iyan din ang sinabi mo no’ng huling usap natin, e. Ang deadline ng filing (of candicay) is October 16, kung hindi ako nagkakamali. So, even before that, if I decide to run, dapat kahit papa’no, may machinery na rin na… ‘di ba, kung sakali? And it’s already close to September. So, malapit na… malapit nang lumabas ‘yon.”
Sa palagay niya, handa na ba siyang tumakbo?
“Kapag gumising ako na naramdaman ko na it’s about time to serve, yes! Kaya kong sabihing handa na ako. Which is why it’s taking me a bit too long (to decide). As of now… fifty-fifty.”
Would he be willing to spend his own money for the campaign?
“Oo. Pero ang problema, siguro baka isang barangay lang ang makakampanya ko kapag gano’n!” sabay tawa ni Luis.
“E… I think ang COMELEC pa ngayon, they’re very strict pagdating sa campaign expenses. Pero… oo naman. Ba’t ako aasa sa pera ng iba kung gusto kong tumulong. E, ‘di magkakautang na loob pa ako?”
Ayaw niyang tumanggap ng campaign fund mula sa kung sinumang magpi-pledge ng support sa kandidatura niya kung sakali?
“A… hindi naman maiiwasan ‘yan. Pero at the same time kasi, gusto ko klaro. Na hindi porke nag-support ka e, may utang na loob na ako. Kumbaga, magkakaroon ako ng favors to be granted without question. Hindi naman. Napaka-trapo (traditional politician) naman ‘yon.”
Si Angel, tatanggapin kaya niya kung mag-volunteer ito na magbigay ng campaign fund?
“Wow! Ako kasi hindi ko inihahalo ang pera at saka love, e. Sa akin as of now… parang ayoko talaga. Kami ni Angel, kahit kunwari minsan lumalabas kami… split kami sa pera. Split kami sa check. Like kunwari, kumakain kami sa labas na ako ang nagbabayad… ‘yong next kailangan siya talaga. Kumbaga, ayokong haluan ng pera ‘yong kaming dalawa. And we’re both very… hindi naman wise pagdating sa pera. Pero may gano’n kaming… sabihin na nating issue. Naniniwala kami na dapat laging hati talaga kami.”
Sakaling tumakbo siyang mayor ng Lipa City at manalo siya, sunod kaya ay ang pagpapakasal na nila ni Angel para merong first lady ang nasabing lungsod?
“Puwede namang mangyari iyon before. Puwede naman, e,” sabay ngiti ni Luis.
Kapag nagpakasal sila ni Angel, magkaroon kaya sila ng pre-nuptial agreement?
“Pre-nup parang… may tiwala naman ako kay Angel. Second, definitely… mas maraming pera sa akin si Angel. Kaya kong sabihin ‘yon. ‘Di ba? Na… sobra! Kung anuman ang meron ako, katiting lang sa meron siya. So, ang kapal ko namang humingi ng pre-nup!” nangiting huling nasabi ni Luis.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan