Luis Manzano, malabo raw makipagbalikan kay Jennylyn Mercado

Luis-Manzano-Jennylyn-MercadoFINALLY BINASAG na rin ni Luis Manzano ang kanyang pananahimik tungkol sa status na kanilang relasyon ni Jennylyn Mercado, dahil kinumpirma niyang totoo break na sila ng Kapuso actress.

“Life is too short to be sad. You only get a one shot ni life,” say ni Luis nang kumustahin pagkatapos ng break-up nila ni Jen. “Why get sad or depressed? Make the most out of every single day.”

Ayon pa kay Luis, naiintindihan niya kung marami ang nanghinayang sa kinalabasan ng relasyon nila ni Jen.

“Pero things happen for a reason. We just have to part way “

Sa nagtatanong kung possible ba magbakalikan sila ni Jen, sa ngayon daw ay talagang malabo na magkabalikan sila ng Kapuso actress.

Samantala, inamin din ni Luis na hindi pa sila nagkakausap ng ina na si Batangas Governor Vilma Santos tungkol sa break-up nila ni Jen.

“Pero hopefully this weekend, we get to sit down about it, na we really talk about it. Kumbaga, alam ko na alam niya. Kasi ‘yung mga text niya sa akin, puno ng lambing. I know she knows, but to actually sit down about and tell her the whole story, hopefully it`ll happen this week.”

Sa naglabasang isyu na may third party involved, pinagdiinan ni Luis na sila lang ni Jen ang nakaaalam ng katotohanan.

Luis-Manzano-Jennylyn-Mercado

PUMIRMA NG kontrata si Michael V sa TV5, last Friday at ayon kay Bitoy (tawag kay Michael V), ‘di naman siya exclusive contract star ng GMA-7 kaya walang problema sa pagpirma niya ng kontrata sa isang project ng Kapatid Network.

“Per project ang kontrata ko sa GMA 7 kaya puwede akong tumanggap ng offer sa ibang network na hindi makaaapekto sa show ko sa Kapuso Network. Basta ‘di pareho at makatatapat ng show ko sa GMA, tulad ng Bubble Gang.

“Ang show ko sa TV5 ay Killer Karaoke, Pinoy Naman, franchise show na naging hit sa US. Every Saturday evening na magsisimula sa November 16 at 9:00 pm.

“Exclusive contract ang offer nila sa akin pero tinanggihan ko. Gusto ko kasi per project para magkaroon ako ng chance makagawa sa ibang network at makapamili ng project na gustong ko gawin.

“Ito ang advantage ng walang exclusive contract sa anumang TV network. You can do project or show na gusto mong gawin na hindi mo nagagawa at walang makapipigil or mag-iisip na baka mademanda,” pahayag ni Bitoy.

Pero naiirita raw siya sa mga artista na lumilipat ng ibang TV network na sinasabihan na mukhang pera dahil mas malaki ang talent fee sa ibang network.

“Anong malay nila na baka gusto lang ng isang artista na makagawa ng show sa ibang TV network. Tulad ko na gusto ko lahat ng TV network puwede, walang network war,” say pa ni Bitoy.

Sa bagong show ni Bitoy, maglalaro si Ogie Alcasid pero may request na walang ahas na ilalagay dahil takot daw siya sa ahas. Aside kay Ogie, gusto rin ni Bitoy na maging contestant din sa kanyang bagong show para maglaro ay sina Aga Muhlach, Wendell Ramos, mga kasama niya sa Bubble Gang kung puwede.

Samantala, may nagtanong kay Bitoy kung kailan makababalik si Wally Bayola sa Eat Bulaga. Kaagad na sagot ni Bitoy, “Sana makabalik na siya. Nang mangyari ang sex scandal ni Wally,  kaagad ko siyang tinawagan at nagpasalamat siya. Alam ninyo, ipikit ninyo ang mga mata ninyo sa nangyari. Sa dami ng mga pinasaya ni Wally sa Eat Bulaga, ‘di ba dapat na mabigyan siya ng pagkakataon muli,” say pa ni Bitoy.

Sa isyung baka sa December na raw makababalik si Wally sa Eat Bulaga, wala raw alam dito si Bitoy. Pero alam daw ni Bitoy na hindi pababayaan ni Mr. Tuviera si Wally at ng Eat Bulaga barkada.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleBilly Crawford at Coleen Garcia, binigyang-malisya lang daw ang kanilang closeness
Next articleJames Yap, idini-display na ang kanyang Italian girlfriend

No posts to display