KAHIT may pandemya ay masuwerteng may bagong product endorsement pa rin ang actor-TV host na si Luis Manzano. Siya ang brand ambassador ng Sweet Via na isang sweetener from natural source with amazing health benefits.
Ang sweetener na ito na gawa ng Santé International ay malaki ang maibibigay na benepisyo sa mga taong may diabetes at gustong magbawas ng timbang.
Ayon kay Luis, hindi na niya matandaan kung pang-ilan endorsement na niya ang Sweet Via. Nagpapasalamat na lang daw siya sa Diyos na marami pa rin siyang blessings na natatanggap kahit pandemic.
Ano ba ang ikinokonsider niya bago tumanggap ng endorsement?
“Siyempre I have to believe on the product. And siguro kahit papaano that is one secret that’s why yung mga endorsements ko very thankful na it’s always longer. Kumbaga, bihira akong magkaroon ng endorsement na one contract lang. Because I firmly believe and use the product, kasi para sa akin it’s the best way to do it, eh,” tugon niya.
“Kasi di ba, ang hirap naman to speak highly of something you don’t believe in. Hindi lang ako naniniwala, ginagamit ko talaga. In fact may isang endorsement ako na we’re going on 18 years na,” pagmamalaki pa ni Luis.
Aminado naman ang host na nag-gain siya talaga ng weight during pandemic pero ikinatuwa niya na kahit papaano ay nakikita niya na raw ulit ngayon ang kanyang baba (chin).
Kuwento niya, “Kahit yung team ko, yung stylist ko, lahat sila medyo parang… Hindi na lang para sabihin sa akin na, ‘Lu, medyo kailangan nating magpapayat kasi it’s not looking good on TV.’ So para sa akin, when I started using this product nararamdaman ko talaga na I started dropping kahit papaano.
“Kasi regardless of the diet you do, mag-keto ka, mag-low carb ka, yung basic premis para sa akin of losing weight will always be calorie deficit regardless of the diet that you use, it boils down to calorie defecit.”
Nagbigay din ng reaksyon si Luis sa ayaw mamatay-matay na tsismis tungkol sa kanyang political plans next year.
“Wala. Wala din talagang plano coz I’m still with ABS-CBN. Busy pa naman ako sa lahat ng mga kailangan kong gawin,” paglilinaw niya.
Mas excited daw siya sa fatherhood o pagiging ama sa magiging anak nila ni Jessy Mendiola kesa maging public servant.
“Naku, I am looking forward to that. Sana… sana soon ay mangyari na. Alam n’yo naman it’s not easy to have such big step in life with this pandemic going on, di ba? Pero sana yon na yung next to happen,” nakangiti at huling pahayag niya sa aming virtual interbyu.