BLIND ITEM: NASAAN na ba ang young actor na ‘to? Biglang naglahong parang bula? Nag-iba na rin daw ang celfone number. Sinadyang baguhin ang number, dahil nga merong iniiwasan.
Aba’y kung puwede lang i-pabago ang magandang mukha nitong batang ‘to, matagal na niyang ginawa para hindi na siya minamanmanan ng boypren ng nali-link sa kanyang sexy young actress.
Ilambeses nang nakikitang nagpupunta sa inuupahang condo unit ng young actor ang babae at nakakarating ito sa kaalaman ng totoong boypren. Eh, si Boypren, powerful.
Pina-surveillance ni Powerful Boyfriend si young actor. At ‘eto na. Tuwing bababa ng condo lobby si Young Actor, merong inaabot lagi ang lobby guard.
Nagtataka ang young actor, kasi, basyo ng bala ang iniaabot sa kanya palagi ng guard, “Sabi po nu’ng nagbigay, Sir, ‘Sabihin mo sa kanya, marami pa ‘ko niyan kung gusto niya!’”
Kaya ayun, umalis na rin siya sa condo. Ewan namin kung saan na ito nakatira ngayon. Pero ang wish namin ay sana nga, iwasan na ng bagets ang babae dahil mahirap na.
Baka lalo pa niyang ikapahamak ang pakikipagkaibigan sa babaeng ito na ang pangalan ‘pag binigkas mo ang apelyido, parang nagtatanong.
At sa young actor naman na nagwagi sa isang contest noon (hindi pagandahan ng boses at hindi sa kabugan ng talent, ha?), ingat ka lagi, ha? Ang ganda pa naman ng mukha nito at napakaamo pa.
“HANGGANG NGAYON NAMAN, pinag-iisipan ko pa, Mama Ogs, eh! Hindi pa sure! Although ang daming nagko-convince sa akin to run as mayor of Lipa City, Batangas.
“We’ll see. Pinag-aaralan ko pa. Even my mom naman, hindi naman ako pinipilit, eh. Siya rin, nagsasabi sa akin na pag-isipan ko, dahil talagang igi-give up ko ang showbiz nito para makapagserbisyo talaga.”
‘Pag decided na si Luis, kukuha siya ng crash course sa Public Administration. Sa mga hindi nakakaalam, si Luis ay graduate ng HRIM sa La Salle.
At in fairness to Luis, he has all the qualities to be a good mayor of Lipa City. After all, pinasigla at pinaunlad naman ng kanyang three termer na Mayor ng Lipa City na si Ate Vi ang naturang lungsod sa Batangas.
Ipagpapatuloy lang ni Luis.
NAKAKATUWA NAMAN SI Batangas Governor Vilma Santos-Recto. She makes it a point na during weekends ay nagpapakananay at nagpapakamisis kay Sen. Ralph Recto.
Ba’t namin alam? Una, lagi naming kasama ang anak niyang si Luis Manzano tuwing Sabado at naikukuwento na lang ni Luis na tumawag o nag-bbm na naman ang mommy niya at nagbibilin na naman.
O, ‘di kaya ay kami ang ibi-BBM ni Ate Vi at ibibilin na sa amin si Luis, “Bahala ka na sa anak natin, friend, ha?” Laging ganyan si Ate Vi, kaya naaaliw kami sa kanya.
At ang isa pang nakakatuwa kay Ate Vi, lagi niyang tinututukan kung sino ang aming blind item. Walang Sabado na hindi ‘yan magte-text ng, “Sino ‘yon, friend?”
Pero in fairness kay Ate Vi, nahuhulaan naman niya ‘yung iba, kaya ang kinukuha na lang niya sa amin ay ang kumpirmasyon kung tama ba siya sa kanyang hula.
Naalala namin si Luis na in-approach kami at ang sabi, “Ang daming nag-text sa akin kung ako raw ba ‘yung blind item mo, Mama Ogs, kasi nga, sinabi mo, ‘Kilala ni Ate Vi ito!’ Hahahaha!”
Hindi alam ng mga televie-wers na binabati lang naman namin indirectly si Ate Vi who’s always watching.
Nag-iisa lang talaga ang Star For All Seasons, hahaha!
I love you, Ate Vi!
Oh My G!
by Ogie Diaz