SINUSUBAYBAYAN N’YO BA ang Magkaribal nina Gretchen Barretto at Bea Alonzo? Type n’yo ba? As in hindi nakahihinayang pag-aksayahan ng panahong panoorin?
Honestly, ‘eto na naman kami. Na-hook na naman kami rito sa teleseryeng ito. Nasimulan namin, kaya ewan ko ba’t bigla kaming napapaaga ng uwi sa paghahabol para maabutan ito pagkatapos ng Kung Tayo’y Magkakalayo.
Juice ko, kung kani-kanino na lang namin sinasabing ang ganda ng kuwento ng Magkaribal. Ang husay pa ng shots ni Direk Nuel Naval at importante lahat ang characters.
I’m sure, kahit si Ate Lolit Solis, na-hook na naman dito sa Magkaribal, kaya kailangan niyang umuwi nang maaga para mapanood ito.
FEELING NAMIN, “MAPAPAAGA” ang “pagtigok” sa role ni Toffee Calma bilang baklitang assistant ni Angel Aquino.
Juice ko, wala kaming naiintindihan sa dayalog ni Toffee. Kinakain niya lahat ang sinasabi niya, kaya hindi malinaw ang delivery.
Mainam pa itong si RS Francisco na minamani lang ang role bilang assistant ni Angel.
Gusto n’yo ng trivia?
Ang first choice sa role ni RS ay si Joed Serrano, pero tinanggihan niya ito, dahil baka hindi na raw nito maasikaso ang negosyo.
Si Joed lang naman ang mega producer ng mega-sold out na Araneta Coliseum concert ni Vice Ganda.
AND SPEAKING OF Joed Serrano, ang saya-saya ng lola n’yo, dahil feeling niya’y kabayanihan ang kanyang nagawa nu’ng tulungan niya sa hospitalization ang anak ni Dennis da Silva na hindi naman niyang naging kaibigan o ka-close.
“Basta nag-Facebook na lang sa akin. Humihingi ng tulong, dahil nasa ospital nga ang anak. Nakakaawa naman, mare, kaya ayun, nakaraos naman ‘yung bata.”
Sobrang thankful kay Joed si Dennis na nakakulong pa rin hanggang ngayon at ang misis nito.
In fairness, noon pa ay very generous na si Joed, kaya may your tribe increase, pare! Pare raw, o!
“Suwerte nila,” sey ni Luis nu’ng usisain namin ang isyung nag-hello ang kanyang bird sa shower scene niya sa “Petrang Kabayo.”
Silently ay tumili ang mga bakla nu’ng ‘di sinasadyang nahatak ni Luis ang laylayan ng kanyang boxer briefs, kaya humelow to death ang “ulo ng gapo.”
“Okay lang naman. At least, nakapagpaligaya tayo, ‘di ba? Ha-ha-ha! Pero ewan ko, hindi ko pa naman napapanood ang rushes ng movie, eh.”
Ipapakita ba ‘yon?
“Okay lang sa akin. Nang magkaalaman na!”
Naghamon pa ang damuho.
Oh My G!
by Ogie Diaz