Ilang celebrities ang nagkusang magpa-drug test para patunayang hindi sila gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Bunsod na rin ito ng malawakang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs, kung saan kabilang ang entertainment industry sa minamanmanan ngayon ng mga awtoridad.
Si Luis Manzano, sa Philipine National Police Crime Laboratory sa Camp Crame nagsagawa ng kanyang drug test. Sa kanyang Instagram post, ipinaskil ni Luis ang resulta ng kanyang drug test.
Aniya, “Drug test done in Camp Crame under Chief Trampe of the PNP Crimelab… PERO SA KAGWAPUHAN, POSITIVE DAW TALAGA AKO.”
Nag-post din si Patrick Garcia sa kanyang Instagram account ng certification mula sa Forensic Chemistry Division ng National Bureau of Investigation na nagsasabing negative ang aktor sa mga illegal substance.
Caption ni Patrick sa kanyang post, “I did this because I want my children to grow up in a drug-free Philippines! Supporting our President and PNP on the War On Drugs!!”
Samantala, isang self-test naman ang isinagawa ni Baron Geisler sa pamamagitan ng isang drug test kit. Nag-post si Baron ng mga litrato sa kanyang Facebook account, kung saan aniya, “tested negative” umano siya matapos gamitin ang nasabing kit.
Aniya sa kanyang post, “thanks Kowboy for bringing a drug test kit.
“#QuickProfile
“i tested negative by the way, i know everyone is wondering about me, im fine and good. I think this is a great idea for everyone to have, just in case anyone is accused on line or by the police.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores