HABANG naka-quarantine sa Batangas City dahil sa covid-19 crisis ay ginawa pa ring productive ng It’s Showtime segment host at Hashtag member na si Luke Conde ang kanyang oras.
Kuwento ni Luke, “During quarantine po, sinasamantala ko po yung time with my mama. Naging best way din po itong sitwasyon na ‘to para mas maging close po ako lalo kay Lord.”
Nag-aral din daw siya ng Korean language itinutuloy ang home workout.
“Sa ibang ibang time naman po, nagho-home workout po ako. Nanonood din ako ng K-drama at nag-self study po ng Korean language. Binuhay ko rin po ulit yung Youtube channel ko,” dagdag niyang kuwento.
Paano ka naapektuhan ng pandemic at ng ABS-CBN shutdown ang buhay niya?
“Malaki po yung epekto, dahil una po yung work ko sa ABS-CBN po ang regular source of income ko. Tapos dahil naman po sa pandemic nawalan din po ng work or gigs outside ABS-CBN.
“So yung financial ko po talaga yung malaking naapektuhan. Sana nga po matapos na ang lahat ng ito para makabalik na tayo sa dati,” pahayag ni Luke na ipinagpapasalamat na kahit na papaano ay may nai-save din siya mula sa mga kinita sa ABS-CBN.
Ano ba ang plano niyang gawin ngayon habang nakasara pa ang ABS-CBN?
Tugon ni Luke, “Ngayon po lahat ng possible na pwedeng maging source of income ginagawa ko po. Kailangan pong gumawa ng paraan, eh. Lahat naman po ng mga artista gumagawa ng ibang paraan ngayon para mag-survive.
“Sobrang nakaka-miss na rin po ang Showtime. For almost five years po ng work ko dun hindi po biro yung mga nabuong mga experiences at memories ko po dun.
“Nagpapasalamat din po ako sa kanila kasi gumagawa po sila ng paraan para mabigyan pa rin po kami ng work.”
Ipinagmalaki rin ni Luke na abala siya ngayon sa graphic design habang wala pang mga ganap sa showbiz.
“Yes po, I’m into graphic design now. Kaya dun sa mga online shop na gustong magka-logo or magpaayos ng brandings nila puwede po ako. Dm lang po nila ako sa mga social media accounts ko po,” panawagan pa ni Luke.