HINDI MAN pinalad manalo si Luke Conde sa grand finals ng Gandang Lalake sa It’s Showtime ng ABS-CBN, determinado ang binata na maabot ang kanyang mga pangarap. Sa sariling pagsisikap alam, naming magiging isang sikat na artista si Luke. Hindi lahat ng tinanghal na big winner ay sumisikat at nagkakapangalan. Kung minsan nga, kung sino pa ‘yung runner-up, mas nabibigyan ng break sa pelikula at telebisyon.
Naging Bench Fashion Week model at commercial model si Luke bago siya sumali sa nasabing contest. Of course, nag-i-expect ang binata na maging grand winner. Pero tanggap niya kung hindi man siya nanalo. “Siyempre nandu’n ‘yung idea na contest ‘yan, so mag-expect ka ring p’wedeng hindi ka manalo. Ngayon, looking forward lang ako kung ano ‘yung p’wede kong magawa after the contest. I believe naman kahit nasa top 15 lang ‘yung nakuha ko, maraming opportunity na naghihintay para sa akin. Don’t loose hope, kailangan lang magtiyaga kung gusto mong maabot ang dreams mo,” say ni Luke.
Masasabing naging training ground niya ang pagsali sa contest. Kailangang cool ka lang, enjoy mo lang ‘yung pa-contest kahit nakakapagod maghihintay ng matagal. “Part ng contest ‘yung iko-call ka, standby. ‘Yung pasensiya mo i-check nila kung kakayanin mo. Entering showbiz is parang vital ‘yun kailangang matutunan mo para magtagal ka.”
Sa totoo lang, audience favorite si Luke sa Showtime. Marami siyang fans sa social media. Maging sa kanyang twitter account, marami ang nagpo-follow sa binatang ito. Ano kaya ang kulang kaya hindi nakapasok sa grand finals ang ramp model na ito? “Honestly, para sa akin, may kulang pa pagdating sa talent portion. Kahit may talent ako sa sing and dance, mayroon silang gusto. Siguro ang hinahanap nila sa contestant ‘yung super talented. I know, kahit papaano nag-enjoy sila sa pagkanta ko. I love to entertain people.”
Kahit tapos na ang pa-contest, tuloy pa rin si Luke ang pangarap nitong makapasok sa showbiz. “I know ‘yung pagsali ko sa Gandang Lalake will open doors for me. May lalabas akong bagong commercial na ako ang lead star, hindi ko pa p’wedeng sabihin dahil bawal.”
If ever given a chance na maging artista si Luke, okay lang sa kanyang magkaroon ng loveteam. “Oo naman, kasi malaki ang maitutulong nito sa career namin pareho. Maganda ang team-up lalo na kapag gusto kayo ng mga fans. I’m a fan of Kim Chiu, Anne Curtis and Alex Gonzaga. From the time na nag -start si Kim, I find her sobrang witty. They can deliver, drama at may timing siya sa comedy. Natatawa talaga ako sa kanilang tatlo kapag pinapanood ko sila.”
Alam ni Luke na may talent siya sa acting dahil naging active ito sa theater group nu’ng nasa college siya. “Siguro when it comes to acting, I can give my own style of acting. During my college, I’m part of a theater group. Sa church namin, mayroon ding theater group na nakakapag-perform ako. I know, marami pa akong dapat matutunan and I’m willing to learn the craft as an actor. Siyempre, always give your best sa bawat performance na gagawin mo. Ang importante, gusto mo ang ginagawa mo at ini-enjoy mo ito.”
Willing ba naman si Luke to do sexy scene in the movie? “Right now, hindi pa siguro, boy next door ang image na gustong i-project ng manager ko. At saka, ‘yun ang image ko sa mga TV commercial na ginagawa ko. Given a chance to do teleserye, ibibigay ko ang best ko sa acting. I like to do also romcom with Direk Cathy Garcia-Molina at sa comedy naman si Direk Wenn Deramas. Sobra akong natatawa sa mga pelikula niya, very entertaining kaya nga puro box-office ang kanyang mga pelikula. Dream role ko rin to do a super hero like Lastikman.”
Girlfriend? “May girlfriend ako nasa abroad. Long distance relationship but we’re open to pursue our dreams, anything. Pang-lima siya sa naging girlfriend ko. Medyo selosa but she can understand naman. From the very start, alam naman niya kung ano ‘yung gusto kong pasukin.”
Intriga? Oo naman, part ‘yun ng showbiz, hindi na mawawala ‘yun. As early as now, kinukunduisyon ko na ang sarili ko with the help of my manager Mother Yoyah. Kung papaano i-deal ‘yung mga intriga na hindi totoo. How to properly address them. I think, I can handle it, huwag lang below the belt na pati family ko mai-involve, huwag naman sana,” pakiusap na sabi ni Luke Conde, ang bagong iibigin ng mga kababaihan.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield