BLIND ITEM: Kamakailan ay nagkaroon kami ng get-together kasama ang ilang mga beking nagsipagtapos mula sa iisa naming alma mater sa Pasay City. Isa roon, who was our junior, ang nagbunyag ng kanyang ‘di malilimutang karanasan sa isang cager-turned-actor noong nagtatrabaho pa siya bilang waiter sa isang tanyag na bar noon sa Makati City.
Kasama ng kanyang tropang mga basketbolista rin ay unang nalango sa alak ang ngayo’y aktibo pa rin sa showbiz ex-basketeer. Pero pinoproblema ng kanyang barkada kung saan pansamantala muna ito maaaring umidlip dahil bitin pa sila sa inom.
Ang aming beking schoolmate, na namamasukan nga bilang waiter, ang nagmagandang-loob. Maaari raw munang magpahinga ang basketbolista sa mismong opisina ng kanyang boss sa bar.
Sa sobrang kalasingan daw ng former cager, anumang pananamantalang gawin ng beking staff ay hindi nito naramdaman. Naroong parang wireless microphone na raw ginamit ng aming schoolmate ang ipinagmamalaking sandata ng kanyang mahimbing na kostumer, na hindi raw natitinag sa kanyang pagtulog.
Da who ang dating nagdidribol ng bola, pero walang kamalay-malay na naidribol ng isang bading ang kanyang “dalawang bola” kung saan nasa pagitan ng mga ito ang kanyang big bird? Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Pepe Barabas.
ISANG MALAKING hamon para sa Viva ang hakbang nitong pag-ayusin ang kapwa nila artists na sina Ara Mina at Cristine Reyes. Makaraan ng ilang araw ring pagpapatumpik-tumpik sa isyung kinapapalooban ng magkapatid, Viva finally released its official statement noong umaga ng Sabado, three days after Ara formally lodged a libel complaint against her half-sister.
In summary, gagawin daw ng Viva Artists Agency ang kanilang makakaya para maresolba ang alitan nina Ara at Cristine, bagama’t ipinauubaya rin nila sa korte ang magiging desisyon sa kasong inihain ni Ara.
In trying its best to resolve the conflict amicably on the part of Viva is one story, pero ang pagsasagawa ng damage control para mapagtakpan ang kabastusan at kawalan ng respeto ni Cristine sa kanyang ate is another.
Viva, bilang tapag-alaga ng career ni Cristine, can only do so much. Hanggang pag-aayos lang ng mga irreconcilable differences ng magkapatid ang maaari nilang saklawan, but how about “reconstructing” Cristine’s image shattered in fragments out of the ruins?
Perhaps, even the best “PR surgeons” in the world will find it most difficult to “restore” Cristine to her original form. Viva can only hope for peace, pero malabong magkaroon ito ng mahika para ang isang tulad ni Cristine na isa lang namang starlet ay maiangat nila from this web of katsipan she has created herself!
FOR THE first time on Face To Face, tatalakayin ngayong Miyerkules ang isyung para sa buhay at patay – ang mga taong matagal nang nakalibing, ipinanghihingi pa rin ng abuloy at ang mga taong buhay pa, may death certificate na.
Pinamagatang Mamamatay-Tao Si Lola Dahil Buhay Ka Pa, Ginagawan Ka Na Ng Death Certificate, May Kasamang Abuloy Pa, tampok dito ang rebelasyon ni Aling Linda na umaming ipinanghihingi niya ng abuloy, hindi lang ang mga yumao na, kundi mga humihinga pa.
Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang Nanay Mo Ay Sawa, Ikaw Na Anak ay Anaconda… Inahas N’yo Ang Karelasyon Namin At Tinuklaw Kaming Mag-ina! Sa bangayan sa pagitan nina Aling Rose at Aling Vicky tungkol sa isyung ahasan, natisod ni Tyang Amy Perez ang isang kagimbal-gimbal na katotoha-nan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III