HANGGANG NGAYON ay palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikulang ‘Alone/Together‘ nina Enrique Gil at Liza Soberano a.k.a. LizQuen. By next week – kung susuwertehin at aabot na ito ng isang buwan.
Mukhang nakatulong din sa promo ng pelikula ang pag-amin ng dalawa na two years na silang in a relationship. On her own ay meron na rin legions of fans si Direk Antoinette Jadaone na naging appreciative din sa JaDine film niya last year na ‘Never Not Love You’, na hanggang ngayon ay lumilibot pa rin sa iba’t ibang festivals.
Sa parehong pelikula ay naipalabas ni Antoinette Jadaone ang depth ng real/reel couples bilang mga artista. Hindi naman maipagkakaila na sa Alone/Together ay mas nag-stand out si Liza Soberano dahil kitang-kita mo ang transition ng kanyang character bilang isang idealistic summa cum laude student from UP to just being her rich boyfriend’s assistant na halos wala nang ambisyon sa buhay.
Ang magandang resulta din ng Alone/Together ay ang pagpapatunay na hindi pa ‘dead’ ang Pinoy cinema. This year ay tanging ang pelikulang ito pa lang ang maituturing na ‘box-office hit’. Ang mga movies na pinalabas mula January ay either hindi na-market mabuti o wala talagang chemistry ang mga bida. Sadly, if you want to really make good money sa paggawa ng pelikula ay dapat aralin mo rin kung swak ba ang mga artistang gumaganap. Hindi lang basta sa istorya o technicals nakadepende.
Anyway, dahil palabas pa rin ang ‘Alone/Together’, we wonder kung malalagpasan kaya nito ang kinita ng ‘The Hows of Us’ ng KathNiel from last year? Abangan!