MADALAS MAPA-LATHALA na ang remittance na ipinapadala ng mga OFW sa mga pamilya nila rito sa Pilipinas ay nakatutulong sa ekonomiya. At taun-taon ay iniuulat ng gobyerno na ang remittance ay papalaki nang papalaki. Sa katunayan, noong isang taon ay umabot na ito sa mahigit $20 Bilyon. Kung totoo ito, bakit hanggang ngayo’y hindi nalulutas ang kahirapan ng mga Pilipino? Bakit napakarami pa rin ang walang trabaho sa ating bansa? — Mercy ng Norzagaray, Bulacan
TOTOO ANG lahat ng sinabi mo. Sa katunayan, kung wala ang mga remittance na ito ay matagal nang bumagsak ang ekonomiya ng bansa. Ang pondong ito ang nagpapalaki ng ating dollar reserve at nagpapatatag sa piso laban sa ibang pananalapi.
Ganu’n pa man, ang perang ito ay hindi napupunta sa pamumuhunan sa mga negosyo o kabuhayan. Ang perang ipinapadala ng mga OFW ay ginugugol pa rin ng mga kamag-anak nila sa iba’t ibang bagay — tulad ng cellphone, computer at iba pang bagay na hindi naghahatid ng income. Samakatuwid, sa halip na sa production ay sa consumption nauuwi ang mga remittance. Ang nakikinabang tuloy ay ang mga kumpanya ng telecom, real estate at iba pa.
Kung tutuusin, malaki na ang $20B para ipuhunan sa pagtatayo ng mga industriya na lilikha ng maraming hanapbuhay. Kapag marami nang hanapbuhay rito, hindi na kailangan pang mangibang-bansa ang mga Pinoy para roon ay magtrabaho.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo