Lumipat lang sa Singko Derek Ramsay, kinakatay sa Twitter!

JUICE KO,   ilang taon na ba si Tito Dolphy? 84 na ‘yung tao. Ang dami na ring achievements sa larangan ng industriya si Tito Dolphy, tapos, ba’t yata tila nahihirapang ibigay sa kanya ang pagiging National Artist?

Me kulang pa ba sa ginawa ni Tito Dolphy o sadyang “pinupulitika” lamang siya ng iba, kaya hindi maibigay-bigay sa kanya? Juice ko, sobra-sobra na ang contribution ni Tito Dolphy. Ni isa, walang kumuwestiyon sa pagiging King Of Comedy nu’ng tao.

Sana, ibigay n’yo na sa komedyante ang title na ‘yan para mahimas pa niya ang award na ‘yan, manamnam niya pa ang pagpupuri sa kanya ng mga tao at personal niyang matanggap ang award na ‘yan.

Kelan n’yo balak ibigay ke Tito Dolphy ‘yan? ‘Pag patay na siya? Hindi ba magandang ibigay na ngayong humihinga pa siya at makikita pa niya ang mga taong tatayo para palakpakan siya.

Hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga nagawa ni Tito Dolphy para lang ma-realize natin na noon pa siya deserving sa parangal na ‘yan.

Juice ko, hindi naman sa pag-aano, magkumparahan sila ng nagawa ni Cecille Guidoti-Alvarez naman na noon pa binigyan, hello!

 

SINA NORA Aunor at Vilma Santos din ay ikinakampanya ng kani-kanilang mga tagahanga na gawin na ring National Artist. Pero gusto namin ang isinagot ni Ate Vi na si Dolphy muna ang bigyan at saka na lang sila.

Nag-aaway-away pa nga ang ilang Vilmanians at Noranians sa mga achievements ng dalawa, eh. Pero sa totoo lang, ‘wag na kayong mag-aaway-away, dahil darating din ang time nina Ate Vi at Ate Guy, ‘no!

Nandiyan pa nga si Eddie Garcia na dapat ding bigyan ng parangal bilang National Artist, eh. Kaya imbes na mag-away, suportahan n’yo na lang to death ang mga idol n’yo, okay?

GRABE NAMAN ang mga haters ni Derek Ramsay, nababasa namin sa Twitter. Juice ko, nag-sign up lang si Derek sa TV5, kung anu-ano nang masasakit na salita ang pinakakawalan nila ke Derek.

Na kesyo ang agang malalaos, dahil lumipat ng istasyon. ‘Yung iba nama’y nalulungkot dahil papataas na ang career ni Derek, pero mauudlot lang daw. Hindi raw nag-iisip si Derek, sana man lang daw, nasabihan ng girlfriend na si Angelica Panganiban para hindi na nag-isip pang lumipat.

Actually, mas marami pang okray, pero hindi na para isa-isahin pa namin dito.

Sa totoo lang, diskarte nila ‘yon ng manager niyang si Joji Dingcong, eh. Imposibleng si Joji lang ang me desisyon no’n, natural, meron ding say roon si Derek bilang nasa wastong isip na ang lolo n’yo, ‘di ba?

Kung talagang concern ang nararamdaman n’yo for Derek, ba’t hindi n’yo na lang i-wish nang bongga ‘yung tao sa kanyang paglipat ng ibang bakuran, ‘di ba? Ba’t kailangang mag-tweet pa ng mga nega, ‘di ba?

Buti na lang at hindi pinanghihinaan ng loob si Derek at gagawin niya kung ano ang kanyang naging desisyon. Eh, kahit naman mawalan ng career si Derek, hello! Alam n’yo bang old rich naman ang pamilya niyan?

Saka at the end of the day, hindi natin puwedeng kuwestiyunin kung happy naman si Derek bilang Kapatid, ‘no!

Happy ka naman ba, Derek?

ANG DAMI nang nagpapa-reserve at bumibili ng tickets para sa nakakaaliw at nakakabaliw na “It’s More Fun In Zirkoh!” sa Sabado na, April 28 at 9pm sa Zirkoh Morato.

Pa’no ba namang hindi magiging masaya ‘yan at magiging riot eh nandiyan sina K Brosas, Marissa Sanchez, Kim Idol, Bryan Termulo, Alex Castro, the comic duo Kuya Jobert Austria and Alex Calleja of Usapang Lalake, tapos ang trio pa nina Brenan Espartinez, Joshua Desiderio at Lloyd Zaragoza.

Sa halagang P600 lang, ha? At alam n’yo ba, ang proceeds nito ay mapupunta sa Philippine Foundation For Breast Care, Inc. kung saan sila ang nangangalaga sa mga indigent breast cancer patients?

Kaya ‘pag nanood kayo, nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa mga kapuspalad nating dinapuan ng Big C.

Kaya for ticket reservation, text or call lang kayo sa 0917-5077766.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleRocco Nacino, nahihiyang ipakita ang puwet!
Next articleLumabas kasing bastos at walang respeto sa ate Cristine Reyes, mahihirapan nang linisin ang pangalan

No posts to display