SA SALANSAN ng mga bato sa isang sulok ng aking hardin, makakapal na lumot ang gumagapang. Berdeng-berde at may batik na itim ang kulay. Sa paligid, may pailan-ilan na apanas ang naninirahan.
Ang lumot ay ‘di lamang namamahay sa bato. Sa utak at kaisipan ng ‘di iilang tao, may naninirahang ibang uri ng lumot. At ito’y mapanganib. Halimbawa, ang paglumot ng ating kaisipan ng kasakiman, pagkabaliw sa salapi at kapangyarihan. Halimbawa, ang paglumot ng ating puso ng galit at paghihiganti. ‘Di mabibilang ang mga halimbawa.
Ayon sa mga agriculturists, ang lumot ay may mahalagang tungkulin sa paghahalaman. Ang lumot ay nagsisilbing pagkain ng mga bulate at iba pang insekto na kaanib sa grand cycle ng paghahalaman. ‘Di matatawaran ang karunungan ng Diyos na ating nasasalamin sa wonders of nature.
‘Di lahat ng pagbabago ay mabuti sa uri ng buhay ng tao. Sa ngayon, kinalimutan na ng mga kabataan ang pagmamano ‘pag orasyon. Kinalimutan na ang pag-aantanda bago kumain. Ang pagtulong sa matatanda at mahihina. Dapat, ang mga values na ito ay dapat maging palagiang lumot sa ating kaisipan at pagkatao. ‘Di mabago ng anumang pagbabago.
SAMUT-SAMOT
WEALTHIEST: IT’S Del Rosario in Cabinet, Villar in the Senate. Foreign Secretary Albert del Rosario is the richest member of President Aquino’s official family while Education Secretary Armin Luistro is the least prosperous, according to their statements of assets, liabilities and net worth (SALN) released by Malacañang. Del Rosario pegged his net worth at P657.8 million while Luistro declared his as P739,000.
In the Senate, Sen. Manuel Villar has again emerged as the wealthiest member with a net worth of P854 million while Sen. Antonio Trillanes IV is the poorest with P3.8 million.
ROUNDING OUT the list of Cabinet members with a net worth of more than P100 million were Finance Secretary Cesar Purisima, P261 million; Tourism Secretary Ramon Jimenez, P238 million; Transportation Secretary Mar Roxas, P183 million; Trade Secretary Gregory Domingo, P153 million, and Energy Secretary Jose Rene Almendras, P117 million.
RANKING NEXT to Villar as the richest senator was Sen. Ralph Recto, who had a net worth of P426 million, followed by Sen. Ferdinand Marcos Jr. with P364 million. Sen. Jinggoy Estrada was in fourth place with P166 million, followed by Sen. Ramon Revilla Jr., P147 million, and Senate President Juan Ponce Enrile, P117 million. After Trillanes, Sen. Francis Escudero declared the lowest net worth with P9.8 million, followed by Sen. Joker Arroyo with P11.05 million.
THE OTHER richest Cabinet members were Agriculture Sec. Proceso Alcala, P87 million; Public Works Sec. Rogelio Singson, P84.1 million; Health Sec. Enrique Ona, P80.7 million; Science Sec. Mario Montejo, P55.5 million; Commission on Higher Educaton head Patricia Licuanan, P48.9 million; chief presidential legal counsel Eduardo de Mesa, P34.7 million; Budget Sec. Florencio Abad, P29.6 million; Environment Sec. Ramon Paje, P29.3 million; National Anti-Poverty Commission head Josel Rocamora, P25.3million; Defense Sec. Voltaire Gazmin, P23.5 million; Metropolitan Manila Development Authority head Francis Tolentino, P22.5 million.
ANG KAIBIGAN kong si Philip Juico ay target ng smear attacks sa media. Sino ang nagpapakulo? At bakit siya? Personal kong knowledge na ‘di siya nakikialam sa pagpapatakbo ng PCSO kung saan ang kanyang maybahay, Margie, ang chair. Nananahimik siya bilang Wack Wack Golf president at sports advocate. Sa haba ng paglilingkod niya sa pamahalaan, wala siyang anumang bahid o sangkot sa eskandalo. Mga jueteng lords kaya ang nasa likod ng paninira?
PINAKA-PRAKTIKAL NA ang daily exercise ang threadmill. Dalawang taon ang nakalipas, nakabili ako ng second hand sa ‘sang kaibigan. Every other day ginagamit ko sa loob ng 30-45 minutes. Dito monitored ang nababawas na calories. Ganun din sa breathing exercise. Dramatic improvement ang resulta ng aking cholesterol at uric acid reading. Pati stamina ko, lumakas. Must ang daily exercise sa atin.
NAPAPANAHON NA bigyan ng national sports artist award ang the only basketball legend ng bansa, Caloy Loyzaga. Sa edad na 82, napabalita na si King Caloy ay may malubhang karamdaman sa Australia. Ito ang dahilan kung kaya ang kanyang anak na si Chito ay nag-resign sa PSC para alagaan ang ama. Si Caloy ang captain ball ng Philippine Basketball team sa World Basketball Conference sa Brazil nu’ng 1972. Very prestigious ang koponang ito. Iwasan na natin ang sitwasyon na ‘pag namatay na ang isang magiting na tao, bibigyan ng national accolade. Kung sinu-sino ang binibigyan ng pambansang parangal na ‘di karapat-dapat. Ehemplo sa mga iyan ay sina Carlo Caparas at Cecile Guidote-Alvarez. Mga hindi na nahiya. Si Caloy ay basketball icon na ‘di dapat makalimutan ng mga susunod pang henerasyon.
ANG NAWASAK na seawall sa Roxas Blvd. dahil sa malakas na bagyo nu’ng nakaraang taon ay ‘di matapus-tapos. Mag-iisang taon na. Gising DPWH. Eyesore sa turista ang tanawin. Ano ba ang problema?
‘DI BA kayo napapagod sa dami ng bakasyon? Only in the Philippines. Nakaaapekto sa ekonomiya. Mga arawang manggagawa ay umaangal. ‘Di ba dapat repasuhin ang ating mga holiday. ‘Di masyadong significant, alisin na. Mga progresong kalapit-bansa, walang kasing-dami ng ating holidays. Dapat national patron saint natin ay si Juan Tamad.
PINAKAMASAKIT NA sakit ay sakit ng tiyan. Dala ng kabag, alis at dating ang sakit. Namimilipit ako. Wala nang bisa ang antacid at herbals. Ang kabag ay nagsimula nang inalis ang aking gallbladder. Wala nang panunaw kaya puno ng hangin ang tiyan.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez