Lutuan!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Report ko lang po na rito sa Region 7, ang PNP recruitment ay niluluto lang ng ilang opisyal. Kahit bagsak sa physical agility at neuro exam ay nakapapasok pa rin. Masaklap po na kapag wala kang kapit ay walang chance na makapasok kahit qualified kang mag-apply. May mga fixer po sa loob ng processing. Sana po ay matuldukan na ang bulok nilang sistema ng PNP recruitment.

Irereklamo ko lang po itong babuyan dito sa lugar namin dahil matagal na naming inirereklamo, pero hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon ang mga kinauukulan. Kawawa naman ang mga bata rito, nagkakasakit dahil sa sobrang baho.

Isusumbong lang po sa inyo ang panininingil ng Sampaga High School ng P550.00 para makuha ang card ng mga bata.

Tama po ba iyong ginawa ng Matlang National High School sa Isabel, Leyte na nangongolekta sila ng P150.00 noong brigada?

Irereklamo ko po iyong isang public school dito na San Agustin Integrated School. Nanghihingi sila ng bayad na P300.00 para sa enrolment ng bawat estudyante. Wala naman silang ibinibigay na resibo para roon sa pinababayaran nila.

Isusumbong ko lang po na hindi maka-enroll ang mga estudyanteng walang pambayad para sa boy/girl scout at kung anu-ano pang bayarin. Dito po ito sa Tandaay High School sa Nabua, Camarines Sur. Sana po ay matulungan ninyo sila.

Pakitulungan n’yo naman po kami regarding sa traffic sa may Quirino Avenue, Parañaque dahil sobrang traffic. Dulot po kasi ito ng mga naka-park na sasakyan sa magkabilang gilid ng daan. Dito po ito mula Tambo hanggang La Huerta. Sana po a matulungan ninyo kami.

Reklamo namin ang isang auto repair shop dito sa isang residential area sa may Lapu-Lapu City, Cebu. Sobrang ingay po at umaabot nang madaling-araw ang paggawa nila ng mga sasakyan. Napakabaho rin ng langis at kapag nag-spray sila ng pintura ng sasakyan. Kawawa naman ang mga pamilya na nakatira sa paligid, pati na ang mga bata. Sana ay mabigyan ng atensyon. Salamat po.

Gusto ko lamang po sanang matawag ang pansin ng NSO sa nakikita kong kalagayan ng mga kumukuha ng kopya ng birth certificare at iba pang dokumento. Napakapanghi at marumi ang CR. Sobrang dami rin ng mga tao na kumukuha ng dokumento. Sana ay umisip naman ang pamunuan nila ng paraan para maibsan ang hirap na dinaranas ng mga tao.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articlePatricia Tumulak, pinag-iinitan ng AlDub fans
Next articleKatrina Paula, tuluyan nang iniwan ang sexy image sa bagong pelikula

No posts to display