IBA’T IBANG reaction nang manalong grand champion ang 9 years old na si Lyca Gairanod from Cavite sa The Voice Kids. Team Sarah Geronimo conquers this season. Ang nasabing big event ay ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World. Maging sa social media, may kanya-kanya rin silang comment, may nagsasabing kahirapan daw ang naging puhunan ng bata kaya siya ang ipinanalo ng Kapamilya Network. Mala-MMK daw kasi ang kuwento ng buhay ni Lyca, kaya’t nakuha nito ang simpatya ng manonood kaya siya ang binoto.
Sa final competition, may three challenges ang apat na final 4 na sina Lyca, Darlene Vibares, Juan Karlos and Darren Espanto which include the upbeat, ballad challenges and singing with a celebrity guest performer. Inawit ni Darlene ang kantang “You Don’t Have To Say You Love Me” with Asia’s Nightingle, Lani Misalucha. Juan sang the classic “Eto Na Naman” duet with Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Napaka-cool namang kinanta ni Darren ang “You Are My Song” with Martin Nievera. Makatindig balahibo nang umeksena na si Lyca with iconic group Aegis sa awiting “Basang-Basa Sa Ulan.” Naka-jeans, jacket at boots nang mag-performe ito sa harap ng audience. Standing ovation ang performance na ipinamalas ni Lyca para kay Bamboo.
Bago umakyat ng stage si Lyca, kinausap muna ni Coach Sarah. Sinabi ng Pop Princess sa bata na habang nagpi-perform siya, isipin nitong nagko-concert siya para sa kanyang mga fans. Para sa kanila, si Lyca ang grand champion in the heart of her fans. Maging kami ay natutuwa sa pagkakapanalo ni Lyca, well deserved naman talaga ang bata.
Kahit ano pa ang panlalait kay Lyca, sorry na lang sila, na kay Lyca ang ang titulo, the first grand champion ng The Voice Kids.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield