Lyka Ugarte, magbabaril sa sarili? – Ronnie Carrasco

OPISYAL NANG IPINULL-OUT ng pamunuan ng GMA si Sunshine Dizon sa afternoon soap na Tinik Sa Dibdib, kung saan ang papel niya bilang Lorna ay sasaluhin ni Nadine Samonte. Kung paanong pasok pa rin siya sa banga sa pag-iibang anyo ng bida ay sa kamay na ng staff nakasalalay, basta ang alam ng mga ito ay nabunot na rin ang literal na tinik sa kanilang mga dibdib sa pagbabu ni Sunshine.

History repeats itself, ‘ika nga. Ikalawang pagkakataon na ito ni Nadine na sumalo sa trabahong naumpisahan pero hindi natapos ni Sunshine. Isang soap din ang nauna, nakapag-taping na ang anak ni Mommy Dorothy Laforteza but her health condition wouldn’t permit her to take on the project any further.

Pero kakaibang history rin ang naitala ni Sunshine sa mundo ng telebisyon. Bukod tanging sila lang ang bida sa mainit pa manding proyektong isinasalpok sa soap ni Iza Calzado na hindi pa mandin umiigting ang kuwento ay iniwang nakabitin sa ere.

Tulad ng alam natin, halos lahat naman ng mga artista have their share of “kagagahan” when it comes to work attitude. At times, “cute”, huwag ding pakatitiyak ang mga gaga-gagang artista that they can get away with it.

Sa ngayon,usap-usapan si Sunshine sa GMA sa paksang posibleng hindi na raw siya latagan ng anumang proyekto ng naturang istasyon on the ground of unprofessionalism.

SPEAKING OF ANOTHER “kagagahan”, kakaibang level naman ang ipinamalas ng dating aktres na si Lyka Ugarte who tried to take her own life not just once, not just  twice, not just thrice, but four times!

Lyka’s suicidal pattern remains unchanged: ang pag-overdose ng bonggang-bonggang sleeping pills known to man. Pero siya rin ang nakaisip kung sakaling may panglimang suicide attempt pa raw na darating, ha? Magbabaril na raw siya para sure, ang kaso, ayaw naman daw niyang maging gulay!

Kung hindi ba naman lukis-lukis ang hitad, siya na itong nagsasabing meron siyang apat na anak na dapat niyang buhayin. I-try kaya niyang magpaka-dead, paano mabubuhay ang mga iyon? Sey pa ni Lyka, aware naman siya na ang kanyang ginawa ay act of selfishness o ang pagiging makasarili, susme, hindi kaya hindi naman talaga niya sinadyang matuluyan para ma-realize niya ito?

Granting na sobrang depression dulot ng pinansiyal na krisis ang nagtulak sa kanya, ano ba naman ang magtrabaho siya uli? In fairness, wala  namang gaanong nabago sa itsura niya save for some little weight na puwedeng tunawin, hindi ng sleeping pills, ‘no!

To say the least, I did not realize Lyka’s eloquence until her VTR interview by Startalk: her grammar, nearly flawless; her diction, crisp. Ang naalala ko kasi sa hitad ay ‘yong husay niya in a film by Danny Zialcita doing roles with strength in character.

But Lyka is not so in real life.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleGuesswhodoes: Regine Velasquez does the ‘doggie bonding’
Next articleSantino, hiniling na ipagdasal kay Bro ang may sakit na pasyente – Ogie Diaz

No posts to display