SA RECENT telecast ng Icons aired on ABS-CBN in honor of Mr. Henry Sy, napansin namin ang mga look-alike ng mga inimbitahang bigating singer.
Tulad na lang ni Bamboo na kahawig ng masalita (pero paikut-ikot naman bago tumbukin ang nais niyang sabihin) na si Senator Chiz Escudero.
Hindi naman nagkakalayo ang hitsura ni Arnel Pineda (who did a duet with Lea Salonga) sa yumaong si Eddie Peregrina, ang Tagalog balladeer who rose to fame during the 70s.
Seemingly bloated naman ang dating sa mga manonood ng mukha ng idolo naming si Basil Valdez na halatang “tinakasan” na ng kanyang magandang tinig. Basil is neither a photocopy of a senator nor a fellow singer, kahawig niya ang respetadong entertainment writer na si Kuya Ernie Pecho.
KUWESTIYONABLE PARA sa amin ang naging pamantayan sa pagpili ng Yahoo! OMG! Awards ng mga ipinanalo nitong celebrities.
Lest we be accused of sourgraping (dahil bukod-tanging si Solenn Heussaff lang ang nanalo mula sa GMA), we only wish to be enlightened kung ano ba ang inclusive period on which the judgment was based.
Tinanghal na Breakthrough Actress of the Year si Kim Chiu who garnered 155,899 votes. Technically, ‘pag sinabing “breakthrough,” the very connotation is that the recipient must be virtually new, whose major achievement is also just as recent.
Kung ito ang criterion, hindi ito flattering para kay Kim, bagkus the recognition was an insult to her years in showbiz — in all facets like TV, film and advertising — whose rightful recipient should be any star — regardless of network affiliation — inferior to her.
“Major impact” ito sa kakulangan ng research ng mga bumubuo ng Yahoo (na talaga namang mapapa-Oh, my God! ka!) whose self-atonement — we would say — ay ang pagkakahirang kay Batangas Governor Vilma Santos-Recto bilang Major Impact Star.
Ate Vi, with 101,827 votes, bested her former arch rival Nora Aunor, Sharon Cuneta, Senator Bong Revilla and even Dolphy. Again, without doubting Ate Vi’s victory, ano ba kasi ang ibig sabihin ng Major Impact Award, is this the same as the Star of the First Magnitude — which to our recollection — was given by Star Awards several years ago?
To the Yahoo! OMG! awarding committee, it won’t take too much to educate the public kung anu-ano ‘yung mga ipinamimigay n’yong karangalan, where there is vagueness more than clarity, confusion more than comprehension.
In fairness though, nakikisakay rin ang award-giving body na ito sa promo ng pelikula nina Ate Vi at Kim under Star Cinema na The Healing. At the risk of sounding a bit too hardsell, this is Ate Vi’s first time to try suspense-horror para maiba naman daw ang putaheng maibibigay niya sa publiko.
A Chito Roño movie, puring-puri ni Ate Vi si Kim sa husay nito, in fact, malayo raw ang mararating ng batang aktres. Showing on July 25, The Healing precedes a grand affair marking Ate Vi’s 50th year in showbiz na inihahanda ng ABS-CBN at Star Cinema.
HAVING BEEN in this predominantly gay world of showbiz for some time, na-master na rin ni Tyang Amy Perez ang swardspeak o salitang bakla. Sa episode ngayong Biyernes ng Face To Face na Beking Nabilibid Ganid… Sinolo Ang Pensyon Ng Ama, Nakipaghalinhinan Pa Sa Dyowa Ng Mga Ate Niya! ay nagkaintindihan sila ng beking ex-convict na si Alex.
Alex: “Jinabol ko ng jote, Tyang! Sabi ko, pag-inabot kita, tegi ka sa akin! Kaso, ‘di ko inabutan kasi bangenge nga ako!”
Tyang: Anyare?
Alex: Bumalik ako sa tindahan. Shinuloy namin!
Tyang: Shinuloy nyo? Ang alin?
Alex: Ano pa? Eh di… (toot).
Tatlong taong nakulong si Alex, at sa loob ng panahong ‘yon, ni minsan ay hindi siya dinalaw ng kanyang mga ate. Bilang ganti, pinagdamutan niya ang dalawa sa pensyon na nakukuha ng tatay nilang may sakit. Pero ang mas ikinalukraine ng magkapatid na Prischelle at Margarita ay nang malaman nila na bukod sa pagdaramot ng beking syupatembang, pati mga asawa nila ay tinitikman din ni Alex. Cristobal po ang apelyido ng beki, hindi Brosas… echos!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III