NA-TRY MO na bang laruin ang nakalilibang at nakaaaliw na apps na ito, ang Crossy Road? At kung gusto mo naman ay mala-super heroes ang iyong avatar, i-try naman ang Crossy Heroes.
Ang Crossy Road ay isang Android app game na ni-release noong November 20, 2014. Ito ay dinebelop ng Indie Company Hipster Whale at ang mga developers naman ng game na ito ay sina Matt Hall, Andy Sum, at Ben Weatherall. Sa game na kanilang ginawa, ang kanilang konsepto ay isang pabiro lamang na ‘bakit kaya ang chicken ay tumatawid sa daan?’ at ganoon nga ang objective ng game na dapat makatawid ang character o avatar na iyong pinili.
Ang nakaaaliw na game na ito ay binubuo ng 115 characters na kailangang ma-unlock para magamit sila sa gameplay, kung saan ang 93 sa mga characters ay unlockable sa isang prize machine at ang 22 naman ay mga mistulang secret characters, kung saan mabubuksan lang by methods.
Ang goal ng game na ito, ang Crossy Road, ay makatawid sa road as far as we can, hanggang sa abot-kaya natin na maitawid ang ating character na hindi namamatay sa pagdaan sa road na maraming mga sasakyan na dumaraan, sa river at sa trains.
Maaari tayong makalagpas sa river sa paghakbang sa mga kahoy na papunta sa kabilang daan, huwag hayaan na anurin ang kahoy na ating hinahakbangan hanggang dulo. Sa Trains naman ay maging alerto tayo sa red light na once na umilaw ito ay ibig sabihin, may paparating na train. Hintayin na lamang natin ito ngmakadaan, dahil ang andar ng train na ito ay mabilis at maaaring mabangga ang ating character at back to zero ang points natin.
Isang tip pa ay huwag nating hayaan ang ating character na mag-stay lang sa isang puwesto nang mahigit sa 5 seconds, dahil siya ay maaaring tangayin ng eagle at ibig sabihin nito ay Game Over tayo.
Sa bawat road na ating daraanan, may mga nakakalat na coins. Ating ipunin ang coins na ito dahil maaari natin itong magamit sa pag-unlock ng characters. Mayroong isang prize machine doon na kung saan ang isang character ay nagkakahalaga ng 100 coins. Huwag tayong mag-alala dahil sa Game Time naman ay maaari tayong makakuha ng free coins na ating puwedeng gamitin sa pag-avail o pag-unlock ng characters sa prize machine.
Ang Crossy Heroes naman ay same agenda ng Crossy Road na bawat hakbang natin na pa-forward ay isang puntos. Ang ipinagkaiba lamang ng game na ito, ang ating characters ay super heroes tulad nina Iron Man, Captain America, Wolverine, at iba pa.
At sa road na ating daraanan, may mga kalaban na ating puwedeng patumbahin, dahil mayroon tayong 4 lives dito at maaari nilang bawasan iyon sa pagbaril at paghagis ng bomba nila sa atin, pero mayroon tayong super powers na panlaban naman sa kanila.
Iba’t ibang roads din ang madaraanan natin – mayroon ding river, isang store, at isang green river na may mga bumabaril na aliens, at iwasan natin ang monster dahil maaari tayong ma-game over. Ang points na ating makukuha ay mapupunta sa bilang upang mag-level up at ma-unlock ang characters na ito.
Ito ang ilan sa mga impormasyon ayon sa Android games na Crossy Road at Crossy Heroes. Tara na at ating i-download at laruin ang exciting game na ito.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo