KABALIW ANG PASABOG na statements ni Maria Isabel Lopez kahapon sa presscon ng Working Girls 2010 ng Viva, GMA Films, and Unitel Pictures, kung saan kasama si Isabel sa cast with Eugene Domingo, Ruffa Gutierrez, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, etc.
Kasama si Isabel sa original Working Girls ni Ishmael Bernal 25 years ago sa sequel na ito ni Jose Javier Reyes na siyang nagdirek at sumulat ng script.
Sa simula pa lang ng presscon, naging matapang at quotable na ang mga pahayag ni Isabel nang tanungin siya sa kanyang damdamin tungkol kay Maria Venus Raj na tinanggalan ng korona bilang Bb Pilipinas-Universe 2010, dahil sa isyu ng nationality o may isyu sa kanyang birth certificate.
The same title ang nakuha ni Isabel noong early ‘80s, pero pilit itong pinag-resign dahil sa naging sexy model siya nu’ng mga panahong ‘yon.
Ayon sa former beauty queen, dapat daw ay sa isang Pilipino mapunta ang franchise ng Bb. Pilipinas, at hindi sa banyagang elitist tulad ni Ms Stella Marquez-Araneta, at malamang daw na mangyari ang bagay na ‘yon kung hihintayin na lang nating pumanaw si Mrs. Araneta!
“Dapat, mapunta ang Bb Pilipinas Charities sa mga Pilipino, hindi sa isang banyaga…. Power trip din kasi ito eh, sila ang nakabili ng franchise, kaya nga hinihintay na lang nating mag-rest in peace si Dona Stella, ‘di ba?” Walang takot na chika ni Isabel na ikinabaliw ng press na nag-i-interview sa kanya.
Sinabi pa ni Isabel na ang Pilipinas ay isang free country at naniniwala siyang dapat niyang ilabas ang kanyang saloobin dahil natanong siya ng press, at wala siyang kinatatakutan sinuman.
“Alam kong hindi rin magre-react si Dona Stella dahil elitist nga siya, ‘di ba? Hindi siya sasagot sa mga tulad kong maliliit,” to words to that effect na sabi ng palabang si Isabel.
Ayon kay Isabel, papalakpakan niya raw si Venus kapag nakita niya ito, dahil nagpakita ito ng katapangang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang newly-crowned beauty queen.
Kung siya nga raw ang tatanungin, mas pinalaki pa niya ito dapat o i-magnify upang maipamukha umano sa mga kinauukulan na hindi basta-basta ganoon ang dapat na maging treatment sa isang kinoronahang Pinay na supposedly ay siyang magdadala ng pangalan ng bansa sa Miss Universe pageant.
Dahil sa open forum pa lang ay “nagpasabog” na si Isabel ng bomba laban kay Mrs Araneta, nag-promise agad ito sa nasa presidential table ring si Ruffa Gutierrez (na co-star ng Working Girls) na mag-e-exclusive interview siya sa Paparazzi talk show ni Ruffa sa TV5 ngayong Linggo, 2:30 PM.
TALKING ABOUT PAPARAZZI, say naman ni Ruffa na normal naman daw sa “nanganganay” na showbiz-oriented show ang magkaroon ng technical problems, lalo na’t pilot episode.
Nalait nga kasi ang technical aspect ng pilot episode na ito dahil maraming parts ang walang audio, o hindi marinig ang sinasabi ng hosts/ guests dahil nga palpak sang technical.
“Hello, ganon talaga ‘pag live and you know, nagsisimula pa lang kami. The Buzz has been there nang 10 years, ang Startalk has been there 13 years, at nu’ng nag-start ‘yun, they had Kris (Aquino) pa as one of the hosts, ‘di ba?
“Kinukuwento nga ni Tita Lolit (Solis) na ganyan din sila nu’ng nag-pilot sila sa Startalk. So, kumbaga, kami ‘yung baby sa mga Sunday talk shows, so sana pagbigyan n’yo naman kami,” tuluy-tuloy na chika ni Ruffa.
Nagkausap naman daw sila agad ng director nila sa Paparazzi na si Direk GB Sampedro at nag-explain ito ng kung ano ang tunay na nangyari.
Siyanga pala, may premiere night ang Working Girls 2010 sa Linggo sa SM Megamall Cinema 10.
For feedback, please e-mail me at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro