Mabahong gilingan!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

  • Hihingi lang po ako sa inyo ng tulong hinggil sa sobrang baho na idinudulot sa amin ng gilingan ng hasang ng isda. Nahihirapan na po kami pati na ang maliliit naming mga anak ay naaapektuhan na po ng masangsang na amoy na ito. ‘Di na po kami makakain nang maayos dahil pumapasok na po sa loob ng bahay namin ang amoy. Hindi po kami makapagreklamo sa barangay dahil isa pong opisyal ng barangay ang may-ari nito.
  • Tulungan n’yo po kami, kasi po rito sa lugar namin ay sobrang sangsang ng amoy ng babuyan. Dito po ito sa Purok 2, Sucat, Muntinlupa. Kawawa naman po ang mga bata rito.
  • May reklamo lang po kaming mga driver ng truck sa lugar ng Caloocan, sa may bandang 7th Avenue. May mga pulis na nangongotong mula 10:00 pm hanggang madaling-araw. P50.00 kada truck po ang hinihingi nila. Sana po ay matulungan ninyo kami.
  • Isusumbong ko lang po sa inyo ang isang barangay chairman na laging may dalang baril sa Dinalupihan, Bataan. Laging pong ipinagyayabang ni Chairman ang kanyang baril at pinananakot sa mga tao. Sana po ay matulungan ninyo kami.
  • Gusto lang po naming ireklamo ang kapit-bahay namin na nagtitinda ng LPG sa residential area. Delikado po lalo na ngayong uso ang sunog. Sana po ay matulungan ninyo kami.
  • Ilalapit ko lamang po sa inyo na sana ay pakikalampag ang mga kinauukulan dito sa aming lugar sa Pateros dahil iyong mga kabataan dito sa amin ay inaabot ng madaling-araw sa pag-iingay. Wala man lang sumasaway sa mga iyon kahit nakikita na nila.
  • Isusumbong ko lang na rito Leyte del Sur Street sa Brgy. 563 Zone 55 ay ginagawa po ang kalsada. Since November pa po nagsimula ang paggawa sa kalsada at sabi sa amin ay tatlong buwan lang ay magagawa na pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Masyado na pong perhuwisyo rito sa lugar namin.
  • Ang isang school po rito sa Montalban ay naniningil ng P50.00 kada estudyante. Ayaw ibigay ang card kapag hindi ka makapagbayad ng P50.00. Dito po ito sa Rodriguez Heights Elementary School.
  • Baka puwede po na mapa-check ang eskuwelahan dito sa amin sa Bacolod, ang M. G. Medalla Elementary School. Public school po ito pero ang daming sinisingil sa mga estudyante.

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleJohn Lloyd Cruz, “guwapong nakabubuntis” ang dating sa bagong pelikula
Next articlePhillip Salvador, nakahanap ng kaalyado sa hindi kapartido

No posts to display