NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isa po akong concerned citizen, araw-araw ay sa may malapit sa police station ng Talaba, Bacoor, Cavite ako naghihintay ng pampasaherong sasakyan. Tulungan n’yo po kami dahil umaagos ang mabahong tubig galing sa septic tank o toilet ng nasabing police station. Umaagos po ito sa gilid ng highway. Malapit po ito sa Talaba Elementary School. Pakitulungan po kami na maaksyunan ang mabahong police station na ito.
Isang concerned citizen po ako rito sa may Mariveles, Bataan sa may Brgy. Camaya Zone 2. Irereklamo ko lang po ang napakabahong basura rito na hindi nahahakot. Marami pa naman pong bata sa paligid na naapektuhan dito at nagkakasakit. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.
Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa amin sa Capalonga, Camarines, Norte. Iyong kalsada po sa Brgy. Catioan ay napakatagal na pong lubak-lubak. Malapit na po ang pasukan sa eskuwelahan at kawawa naman ang mga batang pumapasok sa Estuas Nabata Elementary School.
Irereklamo ko lang po ang nangyayaring illegal fishing dito sa Milagros, Masbate. Matagal na po itong nangyayari at grabeng pahirap at perhuwisyo ang mga iyon sa aming mga mangingisda dahil wala na kaming mahuling isda. Sana po ay matulungan ninyo kami upang mahuli ang mga dayong illegal fisher.
Isa po akong miyembro ng AFP Reservist 1st Metro Davao Ready Reserve Batallion, concern ko lang po ang allowance namin na hindi ibinibigay. Pakitulungan po kami na makalampag ang mga kinauukulan.
Gusto ko lang pong i-report ang talamak na pandurukot sa sakayan ng bus sa Bicutan Interchange papuntang North Bound. Halos araw-araw ay may nadudukutan, isa rin po ako sa naging biktima ng pandurukot. Sana po ay maglagay sila ng CCTV at pulis sa paligid para kundi man masugpo ay mabawasan man lang ang mga nangyayaring pandurukot.
Nais ko lang ireklamo iyong lugar namin sa Road 3, Brgy. Pag-asa, Quezon City dahil barado po ang mga drainage kaya sobrang bilis ang pagbaha lalo na ngayong tag-ulan na. Marami po kasing mga kainan o karinderya sa lugar na iyon at doon na lang nila itinatapon ang kanilang mga dumi sa drainage. Nagtataka nga po kami bakit nabigyan ng permit ang mga ito ng barangay dahil mukhang hindi naman po nila ito na-check bago mag-issue ng permit. Malaking perhuwisyo na po kasi ito sa lugar namin. Sana po ay maaksyunan n’yo ang aming problema.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo